Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/298

From Wikisource
This page has been proofread.
—292—


nápapahulí. Kailangan ang paliksihín pa siya ni hermana
Bali.

—¡Gágabihin tayo!-ang sabi

Si Huli ay patuloy na namumutla, ang tingí'y sa ibaba
at hindi makapangahás na itaas ang matá. Ang akala niya'y siyá
ang tinitingnán ng lahát ng tao at siya ang itinuturo. Isáng
pangalang mahalay ang humihiging sa kaniyáng tainga, nguni't
nagbibinğíbingihan at nagpapatuloy ng lakad. Gayón mán,
nang makita ang kombento, ay huminto at nanginig na.

—¡Bumalik na tayo sa nayon, bumalik na tayo!-ang
samò na pinigil ang kaniyang kasama.
Kinailangan ni hermana Bali ang hawakan siya sa bisig
at halos binatak, na pinamamayapà at pinagsasabihan siyá
ng ukol sa mga aklát ng mga prayle. Hindi siya pa-
babayaan, walang dapat ikatakot; si P. Camorra ay may
ibang bagay sa ulo; si Huli ay isang tagabukid lamang...
Datapwa'y nang dumating sa pintuan ng kombento ó ba-
hay pari ay nagmatigás na si Huli sa pag-ayaw na umakyát
at nangunyapít sa pader.

—¡Huwag, huwag¡ —ang samòng lipós sindák; —¡O, huwag;
mahabág kayo!......

—Nguni't nápakahangál......

Itinutulak siyáng marahan ni hermana Bali; si Huli ay
ayaw pumayag, namumutlâ, na ang mukha'y nakahahambál.
Ipinahayag ng kaniyang paningin na nakikitang kaharap niyá
ang kamatayan.

—¡Siyá, bumalik tayo kung ayaw ka!-ang bulalás na
tuloy na masama ang loób ng mabait na babai, na hindi
naniniwalà sa anománg sakunâng tunay na mangyayari. Kahi't
na may masamang kabantugan si P. Camorra ay hindi ma-
ngangabás sa harap niya.

—¡Mádalá na sa tatapunán ang kaawàawàng si D. Ba-
silio, barilin siyá sa daan at sabihing nagtangkang tuma-
kas! ang dagdág;-pagpatay na ay sakâ magsisisi. Sa ga-
nang akin, ako'y walang anománg utang na loob sa kaniya.
Sa akin ay walang isusumkát!

Yaón ang bayóng nakapagpanibulos. Sa harap ng ga.
yóng sumbát, may halong galit, handâ sa lahát, gaya ng isang
magpapatiwakal, ay ipinikit ni Huli ang kaniyang mga mata,
upang huwág mátanaw ang banging tatalunán, at tulóytulóy