- —291—
ang mga taling gumitgít sa lamán, nakikita ang dugông lu-
málabás sa bibig at nádidingig na sinasabi sa kaniyá ni
Basilio, na "¡Iligtas mo akó, iligtás mo ako! ikaw lamang
ang tanging makapagliligtas sa akin!" Mag-uumugong pag-
katapos ang isáng halakhák, ililingón ang mga matá at ma-
kikita ang kaniyang amá, na tinititigan siya ng isang titig
na lipos paghihinanakít. At si Huli ay mágigising, tata gilid sal
ibabaw ng kaniyang banig, hihimasin ng kamay ang noó
upang tungkusin ang buhók: malamig na pawis, gaya ng
pagpapawis kung mamamatay, ang nakababasa sa kaniya.
—¡Iná, iná!-ang taghóy.
At samantala'y ang mga nakapagpapasiya ng boông katu-
waan sa mga sasapitin ng mga bayan, ang nakapag-uutos
ng makatwirang pagpatay, ang sumisirà ng katwiran at gi-
nagamit ang karapatán upang magpatibay sa lakás, ay ma-
payapang nangahihimbing.
Sa kahulfhulihan, ay dumating ang isang manglalakbay
na taga Maynilà at nagsalaysay nang kung papano nakawala
ang labát ng bilanggó, lahát, maliban si Basilio na walang
mag-ampón. Nababalità sa Maynilà, ang dagdag ng mang-
lalakbáy, na ang binatà ay mapapatapon sa Carolinas, at
pinalagdâán na muna sa kaniya ang isang kahilingan na ki-
natatalaan na gayón ang hiling niyang kusà. Nákita ng
manglalakbay ang bapor na magdadalá sa kaniya.
Ang balitang iyon ay tumapos sa mga pagaalinlangan
ng dalaga na sadyâ namáng guló na ang pag-iisip dahil sa
karamihan ng gabing ipinagpuyát at sa kaniyáng mga kaki-
lakilabot na mga pangangarap. Maputla't ang mata'y susuling
suling, ay hinanap si bermana Balf at ang boses ay naka-
tatakot ng sinabing siya'y nálalaán na at itinatanong kung
ibig siyáng samahan.
Natuwa si hermana Bali at siya'y pinayapà, nguni't si
Hulf ay hindi nakikingig at waring nagmamadali upang ma-
karating sa kombento. Siya'y nag-ayos, isinuot ang kaniyang
pinakamabuting gayák at wari pa mandíng siya'y may ma-
laking hangád. Nagsasásalità kahit walang linaw.
Lumakad silá. Si Huli ay nauuna at naíiníp sapagka't
ang kasama'y nahuhulí. Dátapwa'y samantalang nangalalapít
sa bayan, ay unti unti siyang nanghihinà, nagwawalang imík,
nag-aalinlangan, nápapahinà ang hakbang, at pagkatapos ay