- —290—
ang larawan ng kaniyang amá'y nagbago at nakita ni Basilio na
naghihingalô at tinititigan siya ng mga tinging sumisisi. Ang
kahabaghabág ay titindig, magdadasal, tataghóy, tatawagan ang
kaniyang iná, ang kamatayan, at sumapit ang sandali na,
patâ na sa sindák, kung hindi lamang naging gabi noon ay
tumakbo na sanang tuloytuloy sa kombento, mangyari na
ang mangyayari.
Dumating ang umaga, at ang mga malulungkot na
paghihinala, ang mga pangingilabot sa kadiliman ay bahag-
yang nagbawa. Ang kaliwanagan ay nagbigay sa kaniya ng
mga pag-asa. Nguni't ang mga balitàng tinanggap nang kina-
hapunan ay lubhang kakilakilabot napag-usapan ang mğa
binaril at ang gabing yao'y naging karumaldumal sa dalaga.
Sa kaniyang pagdadalità'y tinangka ng ipagkaloob ang ka-
niyang katawán pagsapit na pagsapit ng umaga at pagkatapos
ay magpakamatay lahát, huwag na lamang magdaán ng gayóng
paghihirap! Nguni't ang umaga'y nagtagláy ng mga paniba-
gong pag-asa at ayaw pumanaog sa bahay ang binibini, ni
pumarcón sa simbahan. Nanganganib siyáng mapahinuhod.
At sa gayo'y nakaraan ang ilang araw: nananalangin at
nagtutungayaw, tumatawag sa Dios at ninanasà ang kama-
tayan. Ang umaga ay nagiging isang patláng, si Huli'y
umaasa sa isang kababalaghán; ang mga balitang galing sa
Maynila, kahi't dumáratíng na may dagdág, ay nagsasabing
ang ilang bilanggo ay nakalaya na dahil sa kanilang mga
ninong at mga kaibikaibigan.... May maiiwang magtitiís,
¿sino kaya? si Huli ay nangingilabot at umuuwi sa kani-
yáng bahay na nginangatngát ang kaniyáng mga kukó, sa
gayon ay dumáratíng ang gabí na ang mga pangangambá,
na nagkakaroón ng ibayong lakí, ay waring nagiging kato-
tohanan. Kinatatakutan ni Huli ang pananaginip; natatakot
siyáng matulog, sapagka't ang kaniyang pananaginip ay
isáng sunod-sunod na bangungot. Mğa titig na may hina-
nakit ang lumulusót sa kaniyang mga balintatáw kapag ná-
pikít, mğa daing at panangis ang umuukilkil sa kaniyang
mga tainga. Nakikitang pagalàgalà ang kaniyang amá, dayukdók,
walang tigil ni pahinĝá; nakikitang si Basilio ay naghihingalô sa
gitna ng daan, may tama ng dalawang punglô, gaya ng pag-
kakita niya sa bangkay ng isang kalapit-bahay na pinatay
samantalang inihahatid ng guardia sibil. At nakikita niya