—289—
så kombento, kaya't nangagsiuwi sa kaniláng nayon. Si hermana Balî na sumama ang loob dahil sa kakulangan ng pagtitiwalà, gayóng siya'y kasama, ay naghihigantí sa paraang binigyan ng isang mahabâhabang sermon ang binibini.
Sadya ngang hindi magagawa ng dalaga ang pagparoong iyon sa kombento nang hindi susuwatán ang kaniyang sarili, na hindi siyá susuwatán ng tao, na hindi siyá susuwatán ng Dios! Makáilán nang sinabi sa kaniyá, may katwiran ó walâ, na kung susundin ang hangád sa kaniya, ay
patatawarin ang kaniyang amá, nguni't gayón man ay hindi siyá pumayag, kahit na isinisigaw sa kaniya ng kaniyang budhi ang pag-aalaala ng kautangán sa magulang. ¿At ngayón ay gagawin niya ng dahil kay Basilio, dahil sa sa kaniyang kasintahan? Yaon ay isang pagsadlák sa mga kutyâ at paglibák ng lahat ng tao, sampung si Basilio ay aalipustâ sa kaniya; hindi mangyayari ang gayón, magpakailan man! Magbibigtí na muna siyá ó magtatalón sa alin mang bangín. Kahit na anó ang gawin ay nasuwatán nasuwatán na siyá na masamang anak.
Binatá pa rin ng kaawàawàng si Huli ang mga sisi ng kaniyang mga kamag-anak, na sa dahilang hindi nakababatíd ng nangyayari sa kanila ni P. Camorra, ay kinukutya ang kaniyang mga katakután. Máiibigan bagá ni P. Camorra ang isang dalagang taga bukid gayong marami namán sa bayan? At tinukoy ng mga babai, ang mga pangalan ng mga dalagang magagándá't mayayaman, na nagkaroon ng ganitó ó gayóng kasawîán. At samantala'y kung barilín si Basílio? tinátakpán ni Huli ang kaniyang tainga, lumilinğap sa lahát ng sulok at humahanap ng isang tingig na sukat magtanggol sa kaniyá, tiningnan ang kaniyang lelong; nguni't ang lelong ay pipi at nakatitig sa dulo ng kaniyáng tandós na gamit sa pangangaso.
Nang gabing yaón ay hahagya nang nakatulog.. Mga bungang tulog át panaginip, kung minsan ay kahambálhambál, kung minsan ay madugo, ang nagdáraan sa kaniyang matá at sandásandali'y nagigising na pigtâ sa malamig na pawis. Parang nakadidingig siyá ng putukan, parang nakikita ang kaniyang amá, ang amá niyang nagsumakit ng lubhâ dahil sa kaniyá, na nakikipaghamok sa mga kagubatan, hinuhuling wari'y sáng hayop sapagka't siya'y nag-alinlangang kaniyang iligtás. At
- 19