- —288—
Pinakinggang walang kapingaspingas sa tigás ng ginoong
Hukóm si hermana Bali, na siyang nagsasalita, na mamin-
san minsan ay tinitingnan ang dalagang nakatungó at hiyâng
hiya. Masasabi na lamang ng tao na malaki ang paglingap
niya kay Basilio, hindi naaalala ng mga tao ang kaniyang
utang na loob at na ang sanhi ng pagkakábilanggong iyon,
ayon sa balità, ay dahil sa kaniya.
Matapos makadig háy ng makáitló ó makaapat, sapagka't
may masamang ugaling itó ang ginoong Hukóm, ay nagsa-
bing ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si P. Ca.
morra, kung iibigin niya at tiningnán ng may makahulugang
títig ang binibini.-Itó'y pinapayuhan niyang makipag-usap sa
kura.
—Alám na ninyo ang kaniyang lakás; nakuba sa pagka-
kabilanggo ang inyong nunò.... Sukat na ang isang salita
niya upang mapasa tatapunán ang isang batang bagong pa-
nganák ó máligtas sa kamatayan ang isang binitay.
Si Huli ay hindi umíimík, nguni't sa ganang kay her-
mana Bali ay waring nabasa sa isang nobena ang hatol:
laan siyang samahan sa bahay ng pari ang dalaga. Lilimós
pa naman siya ng isang kalmen sa halagang isang salapi.
Dátapwa'y umfiling si Huli at ayaw pumaroon sa kom-
bento. Si hermana Balf ay waring nakararamdám sa sanhi
ng pag-ayaw (si P. Camorra ay may katawagán ding si ku-
bayo at napakalikót) at pinananahimik siya:
—Wala kang dapat ikatakot! kasama mo akó!-aniya-
¿hindi no ba nabasa sa munting aklát na Tandang Basio na bi-
gay ng kura, na ang mga dalaga'y dapat pumaroon sa kombeuto,
kabi't hindi nálalaman ng mga magulang, upang ipagsabi ang
nangyayari sa bahay? Abá! Ang aklát na iyon ay nálimbág
nang may pahintulot ang Arzobispo, abá!
Si Huli, iníp na't sa nasàng putulin ang usapan, ay na-
manhík sa mapanata na siyang pumaroon kung ibig, nguni't
sinabi ng Hukóm, sabáy sa pagdígháy, na ang samò ng isang
mukha ng dalaga ay nakaaakit ng malakí kay sa mukha ng
isáng matanda, na ang langit ay nagkakalat ng kaniyang ha-
Inga sariwang bulaklák at hindi sa mga tuyo na.
Ang talinhagà'y naging isáng magandáng kahalayan.
Si Huli'y hindi sumagót at nanaog ang dalawang babai.
Sa daan ay nagmatigás ang dalaga sa pag-ayaw na pumaroon