Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/31

From Wikisource
This page has been validated.


— 25 —


hindi mapagmalaki at mapalalò. Náiibá sa karamihan ng klérigong indio, na lubha namang kaunti, na ng kapanahunang iyon ay gumaganap sa pagkakuadhutor ó nangangasiwàng. pangsamantala sa ilang kurato, dahil sa kaniyang pagkamalumanay at ugaling tuwid na taglás noong may lubos na pagkakilala sa karangalan ng kaniyang kalagayan at kabanalan ng kaniyáng tinútungkól. Isang munting pagsisiyasat sa kaniyang anyo, kundi man dahil sa kaniyang buhok na puti, ay mapag-nunawà kaagád na siya'y nauukol sa malayong panahon, sa nakaraang kapanahunan, noong ang mga mabubuting binata ay hindi nangingiming ilaán ang kanilang karangalan sa pagiging pari, noong ang mga klérigo ay kasingpantay sa kalagayan ng sino. mang prayle, at noong ang kagaya niya, na hindi pá dusta al alimura, ay humihingi ng mga taong malaya at hindi alipin, matatayog na pag-iisip at hindi budhing apí. Sa kaniyang mukhang- malungkot at anyông mapagtapát ay napagkikilala ang katiwasayan ng kaniyang kaluluwang pinatibayan ng pag-aaral at pagkukurò, at marahil ay sinubukan na ng mga sariling pagtitiis ng damdamin. Ang klérigong iyon ay si P. Florentino na amaín ni Isagani at ang kasaysayan ng kaniyang buhay- ay lubhang maikli.

Anak ng isang liping mayaman at kilalá sa Maynilà, mainam ang tindíg at may kasapatáng mábantóg, ay hindi nagkaroon kailan man ng hilig sa pagpapari; nguni't dahil sa ilang pangako ng kaniyang Iná ay pinilit siyang pumasok sa Seminario matapos ang di kakaunting pagtutunggali at tinding pagtatalo. Ang Ina'y may matibay na pakikipagkilala sa Arsobispo, may matigás na loob at walang pagbabago sa anómáng máisip, na gaya ng sino mang babaing may pagaakalang umaalinsunod sa hangad ng Dios. Walang nangyari sa tutol ng binatang si Florentino, hindi nagkabisà ang samò, walang nahita sa pagsasabing siya'y may iniibig at gumawa na tuloy ng guló; magpapari siya at ng umabot sa dalawang pú't limáng taon ay naging pari; ang Arsobispo ay siyang naggawad sa kaniya ng mga orden, ginanap na lubhang maringal ang unang pagmimisa, nagkaroon ng tatlong araw na piging at ang iná'y namatay na masaya at siyángsiyá ang kalooban, matapos na maipamana sa anák ang luhát ng kaniyang kayamanan.

Nguni't sa pagtutunggaliang iyon ay tumangáp si Flo-