Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/32

From Wikisource
This page has been validated.


— 26 —


rentino ng isáng sugat na hindi na gumaling kailan man; nga ilang linggó muna bago ganapin ang una niyang pagmimisa, ang babaing kaniyang pinakagigiliw ay nag-asawa ng wala nang pilipili dahil sa sama ng loob; ang dagok na iyon ay siyang pinakamahapding tinanggap niya; nanghilambót ang kaniyang budhi at ang kabuhayan ay naging isá niyang kinamuhian at mabigát na dalahin. Kung di man ang kabaitan at pagbibigay dangál sa kaniyang kalagayan ay ang pag-ibig na iyon ang nagligtás sa kaniya sa banging kinahuhulugan ng paring prayle at hindi prayle dito sa Pilipinas. Hinarap ang kaniyáng mga nasasak óp dahil sa kaniyang pagtupád sa katungkulan at pagkakahilig sa mga likás na karunungan.

Nang mangyari ang mga kaguluhan noong 72 ay ipinanganib ni P. Florentino na siya'y mápuna dahil sa kalakihán ng kinikita ng kaniyang kurato, at sa dahilang siya'y paya. pàng tao, ay humingi ng pagpapahingá at mulâ na noon ay nanirahan nang wari'y isáng táong karaniwan sa mga Jupain nilang mag-aának na nasa baybayin ng dagat Pacifico. Doo'y inaruga ang isá niyang pamangking lalaki, si Isagani, na alinsunod sa mga masasamang dilà ay anak niyá sa kaniyang dating iniibig, ng mabáo, anák sa pagkadalaga ng isang pinsan niyáng tagá Maynilà, alinsunod namán sa mga lalóng nakabábatíd at hindi bulàan.

Nang makita ng Kapitán ng bapor ang klérigo ay pinilit pilit. na pumasok sa kámara at umakyat sa kubierta. Upang mapahinuhod lamang siya'y nagsabing:

—Kung hindi kayó paparoon ay aakalain ng mga prayle. na áayaw kayong makisama sa kanilá. Wala nang nagawa si P. Florentino kundi ang sumunod at ipinatawag ang kaniyang pamangkin upang pagsabihan ng nangyayari at ipagbilin na huwag lalapit sa kámara samantalang siya'y naroroon.

—Kung makikita ka ng Kapitán ay aanyayahan ka at magpapakalabis naman tayo.

—Paraan ng aking amaín!-aní ni Isagani sa sarili wala namang dahilan kung di upang huwag lamang akong mákausap ni aling Victorina.