Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/30

From Wikisource
This page has been validated.


— 24 —

— ¡Walang pangyayari, walang pangyayari!-ang biglang sagót ni Simoun-ang mákina ay hahanapin pa...... samantala'y tutnngâín ko ang aking serbesa.

At iniwan ng walang paalam ang dalawang magkaibigan.

— Nguni't ano ka ba mayroon at napakamapanghamók ka ngayon? ang tanong ni Basilio.

— ¡Walâ, aywan ko, nguni't ang taong iyan ay nakasisindák sa akin, halos nakatatakot.

— Sinísikó kitá, é: hindi mo nálalamang ang tawag diyan ay Cardenal Moreno?

— Cardenal Moreno?

— O Eminencia negra, kung papaano mo ibig.

— Hindi kitá máwatasan!

— Si Richelieu ay may isáng tanungang kaputsino na pinanganláng Eminencia Gris; ito'y siya namáng tánungan. ng General......

— Siya nga ba?

— Gayón ang nadinğíg ko sa ilán...... na nagmumurá sa kaniyá kung siya'y nakatalikod, at pinupuri siyá kung kaharáp.

— Dumadalaw din ba kay kapitáng Tiago?

—Mula ng unang araw nang kaniyang pagdating, at ang katunayan ay may isang nag-aakalang kaagaw niyá...... sa pamagmamana.. At ináakalà ko na makikipagkita sa General tungkol sa usap na ukol sa pagtuturo ng wikang kastilà.

Nang sandaling iyon ay lumapit ang isang alilà upang sabihin kay Isagani na tinatawag ng kaniyang amaín. Sa isáng banko sa popa at kasalamuha ng ibang kasakay ay nakaupo ang isáng klérigo na minamasdan ang anyo ng mga tánawing nagdadaan sa kaniyang paningin. Niluluwagan siya ng kaniyáng mga kalapit; pag nagdáraan sa tabi niyá ang mga la. laki'y nangagpupugay at ang mga manunugal ay hindi nakapa- ngangahás na ilagay ang dulang na pinaglalaruan sa kalapít niya. Ang paring iyon ay bibihirang magsalita, hindi humihitit ni hindi umaanyong mapagmataás, hindi nahihiyang makihalò sa ibáng tao at tumutugóng malumanay at maayos sa mga pagpupugay sa kaniya na waring ikinadadangal niya at kinikilala ang gayón. Siya'y lubhang matandâ na, ang buhok ay pawàng putf, nguni't ang kaniyang pangağatawan ay mabuti, at, kahit nakaupo ay tuwid ang katawan at taás ang ulo, dátapwá'y