kanya, na kung tubig ang iniinóm niyá at hindi alak ó
serbesa, marahil ay ikabuti ng lahát at hindi pá siyá magiging sanhi ng bulungbulungan......
—At sabihin ninyo sa kaniya ang dugtong ni Isagani, na hindi pinuná ang pagsikó ng kanyang kaibigan na ang tubig ay matamís at napaiinóm, nguni't lumulunod sa alak at sa serbesa at pumapatay sa apóy; na pag na pag pinaiinit ay nagiging sulák, na pag namumuhi ay nagiging karagatang mala. wak at minsan ay pumugnáw na sa katauhan at pinapanğinig ang mundo.
Itinaas ni Simoun ang ulo, at kahit ang tingin niya'y hindi makita dahil sa pagkatakip ng salaming asúl, ay nakita sa kaniyang mukha ang paghangà.
— ¡Mainam na tugón!-ang sabi-nguni't nanġanġambá akóng baka idaan sa birò at itanóng sa akin kung kailán magiging sulák ang tubig at kung kailán magiging karagatang malawak. Si P. Camorra ay may pagka hindi pániwalain at napakápalabirô.
— Pag siya'y pinainit ng apóy, pag ang mumunting ilog na sa ngayo'y nagkakahiwahiwalay pa sa kanikanilang dawag na pinanggagalingan ay magkaisáng bumuhos na abóy ng kasawian sa banging hinuhukay ng mga tao ang sagót ni Isagani.
— Huwag, ginoong Simoun-ang dugtong ni Basilio na inihulog sa birò ang sálitàan.-Ang mabuti pa'y ulitin ninyó sa kaniya ang mga tulang itó, ng kaibigang Isagani:
ang wika ninyó; ikami'y sang-ayon!
mamuhay tayo ng mahinaho't
huwag patanaw sa sunog, ngayón,
na magkababág! Kun di magtulong
sa lilim niyong bihasang dunong.
walang sigalót at pagbabaka'y
gawin ang sulák, na, ikalima
sa elemento, na magbubunga
niyóng liwanag, ilaw, pagtumpá
sa karapata't pagkabihasa.