Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/290

From Wikisource
This page has been proofread.


― 284 ―


mga pari na, ay nangabitay; kaya't ang isang maralitang kagaya ni Basilio na walang sukat mag-ampón at walang mga kakilala....

―¡Sinasabi ko na!―ang buntong hininga ng Hukom pamayapa na waring minsan man lamang ay nabigyan niya ng isang payo si Basilio―sinasabi ko na....

―¡Sadyang ganiyan ang maaantay―ang dugtong ni hermana Penchang―pumapasok sa simbahan at kapag nakitang marumi ng kaunti ang agua bendita ay hindi na nag-aantanda! May sinasabing mga mumunting hayop at mga sakit, aba, parusa ng Dios! ¡Nararapat iyon sa kaniya! Wari bagang ang agua bendita ay mangyayaring makapagpahawa ng mga sakit! Lubha pa ngang kaiba, aba.

At ibinuhay ang kaniyang paggaling sa isang pagkasira ng tiyan sa paglalagay lamang ng agua bendita sa pusod, na sabay sa pagdadasal ng Sanctus Deus, at inihahatol ang kagamutan sa mga kaharap, kapag nangagkasakit ng iti o kabag o kung may salot, datapwa'y kailangang dasalín lamang kung gayon sa wikang kastila.

Santo Dios
Santo fuerte
Santo inmortal,
Libranos Señor de la peste
Y de todo mal.

―Ang kagamutan ay walang pagkasira, nguni't lalagyan ng agua bendita ang dakong masakit o may damdam,―aniya.

Datapuwa'y marami sa mga lalaki ang hindi naniniwala sa mga bagay na ito, ni hindi ipinalalagay na parusa ng Dios ang pagkakabilanggo ni Basilio. Hindi rin nanganiniwala sa mga panghihimagsik at mga paskin, sa pagkakilala sa ugaling ibayo pa ng pagkamapayapa at pagkamaingat ng nag-aaral, at minagalíng pang iambil ang gayon sa mga paghihiganti ng mga prayle, dahil sa pagkakatubos sa pagkaalila, kay Huli, na anak ng tulisang mahigpit na kalaban ng isang malakas na corporacion. At sa dahilang may masama silang pagkakilala sa mga kaugalian ng korporasiong iyon at naaalaala ang mga abang paghihiganti, ay ipinalagay, na, ang mga hulohulong iyon ay siyang malapitlapít na nangyari at siyang mapaniniwalaan.

―¡Mabuti nga ang nagawa kong pinalayas sa aking ba-