Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/288

From Wikisource
This page has been validated.



― 282 ―

Si Martin Aristorenas ay nangunting namumutla't nanginginig, at si insik Quiroga na nakadingig na buo sa pangangatwiran, ay dinulutan ng boong galang ang pilosopo ng isang mabuting tabako at tinanong ng masuyo:

―Sigulo, puele akieng kontalata itong aliendo sabong sa Kilisto, ha? Pag ako pagtaylo, akieng kontalatista, ha?

Sa ibang pulutong ang lalong mahabang salitaan ay ukol sa patay; ang pinagtatalunan ay ang damit na isusuot sa bangkay. Ipinalagay ni kapitang Tinong na damit pransiskano ang isuot; mayroon pa naman siyang isa, luma, sirasira at takpi takpi, mainam na kasangkapan na, alinsunod sa patunay ng prayle na pinaglimusan niya sa halagang tatlong pu't anim na piso, nakapagliligtas sa bangkay sa apoy ng inpierno, at nagsalaysay ng makapagpapatibay na mga banal na pangyayaring hango sa mga aklat na ikinakalat ng mga kura. Kahi't pinakamamahal ni kapitang Tinong ang labing iyon, ay laan siyang ipagkaloob sa kaniyang matalik na kaibigang hindi niya nadalaw sa boong pagkakasakit. Nguni't ipinakli ng isang sastre na yamang nakita ng mga mongha si kapitang Tiago na naka prak na umaakyat sa langit, ay dapat suotan ng prak at hindi kailangan ang mga pananggol at mga kasuutang hindi tatagusan: nagpaprak kung tumutungo sa isang sayawan, sa isang pista, at hindi maaasahang hindi gayon din ang matatagpuan niya sa kaitaasan.... at itingman! nagkataon pa namang mayroon siyang isang yari, na maibibigay niya sa halagang tatlong pu't dalawang piso, apat na piso ang kamurahan kay sa abitong pransiksano, sapagka't ayaw niyang pagtubuan si kapitang Tiago: naging suki niya noong buhay at ngayon ay magiging pintakasi niya sa kalangitan! Nguni't si P. Irene na albasea at siyang magpapatupad sa nauutos sa testamento ay sumalansang sa dalawang palagay at ipinag-utos na bihisan ang bangkay ng alin man sa matatanda niyang damit, at sinabing na taglay ang anyong pagkabanal, na hindi tinitingnan ng Dios ang bihis.

Ang mga exequias nga ay ginawa ng boong dingal. Nagkaroon ng responso sa bahay, sa daan, tatlong prayle ang gumawa na waring ang iisa'y hindi makakaya sa kaluluwang yaon, ginawang lahat ng rito at mga ceremonias na magagawa, at nabalitang gumawa pa ng iba, nagkaroon ng extra