Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/286

From Wikisource
This page has been validated.



― 280 ―


ay pinaiiral lamang kapag ang hindi nakapagkumpisal ay walang ibabayad, nguni't ikay kapitang Tiago... ¡Bah! kung sampu ng mga insik na hindi binyagan ay inilibing ninyo ng may misa de requiem!

Si P. Irene ang inihalal ni kapitang Tiago na kaniyang albacea at gaganap ng kaniyang mga habilin, at iniiwan ang bahagi ng kaniyang kayamanan sa Sta. Clara, ang bahagi ay sa Papa, sa Arsobispo, sa mga Corporaciones, at nag-iwan ng dalawang pung piso upang ipagbayad ng matricula ng mga nag-aaral na maralita. Ang huling habiling ito'y ipinatala sa udyok ni P. Irene dahil sa pagkamapag-ampon nito sa kabataang masipag sa pag-aaral. Pinawalang bisa ni kapitang Tiago ang pamanang dalawang pu't limang piso na iniiwan niya kay Basilio, dahil sa masamang inugali ng binata nang mga huling araw, nguni't pinairal din ni P. Irene ang habilin at sinabing kukunin niya ang halagang iyon at dadalhin ng kaniyang bulsa at ng kaniyang budhi.

Sa bahay ng namatay na dinaluhan kinabukasan ng mga dating kakilala at mga kaibigan, ay pinag-uusapang matikabo ang isang himala. Sinasabing noong oras nang paghihingalo ay napakita sa mga mongha ang kaluluwa ni kapitang Tiago na libid ng maningning na liwanag. Iniligtas ng Dios ang kaluluwa, dahil sa karamihan ng pamisang ipinagawa at sa mga pamanang iniwan sa mga simbahan. Ang balita'y pinag-uusapan, inilalarawan, nagkakaroon ng ayos at walang isa mang nag-aalinlangan sa bagay na iyon. Isinasaysay ang suot ni kapitang Tiago, na gaya ng mahihinala, ay ang prak, ang pisngi'y nakaumbok dahil sa sapa ng hitso, hindi nalimot ang kuakong panghitit ng apian at ang manok na sasabungin. Ang sacristan mayor na kalahok sa umpukan ay nagpapatotoong walang kapingaspingas sa tulong ng tango ng ulo, at iniisip na, pagkamatay niya, ay pakikita namang dala ang tasa ng tahung puti, sapagka't, kung wala ang pang-agahang iyon, ay hindi niya maunawa ang kaligayahan ni sa langit ni sa lupa. Tungkol sa bagay ang kaligayahan ni sa langit ni sa lupa. Tungkol sa bagay na ito, at dahil sa hindi mapag-usapan ang mga nangyari ng kinahapunan at sa dahilang mayroon doong mga tahor, ay maiinam na hakahaka ang nababanggit, pinagkukurokuro kung hahamunin o hindi ni kapitang Tiago si S. Pedro upang sila'y magdaos ng isang soltada, kung magpupustahan, kung