Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/285

From Wikisource
This page has been validated.



― 279 ―


man, ni isang pahiwatig man lamang ay walang lumabas sa mga pahayagan sa mga araw na sumusunod, na ang inatupag ay ang mga pagkakadapa't pagkakadupilas na gawa ng mga balat ng saging, at, sa dahilang walang maibalita, si Ben-Zayb man ay nagpakaluritlurit sa pagsasalaysay ng isang dumaang bagyo sa Amerika, na sumira sa mga bayan at nakamatay ng mahigit sa dalawang libo katao. Kasama ng ilang pasaring ay sinabi niyang:

"Ang pagkamahabagin, NA LALONG BUHAY SA MANGA BAYANG KATOLIKO KAY SA IBANG BAYAN, at ang alaala Niyong sa udyok din noon ay naghirap dahil sa sangkatauhan, sa amin ay nagpakilos (sic) sa pagkahabag sa manga kasawian nang ating kapuwa at idalangin upang sa lupang ito, na salantangsalanta sa manga bagyo, ay huwag maulit ang manga kasakitsakit na pangyayaring napagmasdan nang manga naninirahan sa Estados Unidos.

Hindi pinaraan ni Horatius ang pagkakataon at hindi rin tinukoy ang mga patay, ni ang kaawaawang indiang inutas, ni ang mga kapaslangan, ay sinagot si Ben-Zayb sa kaniyang Pirotecnia ng:

"Matapos ang gayong karaming pagkahabag at paglingap sa katauban, si Fray Ibañez, itong, si Ben-Zayb, ay nanira sa pagdalangig patungkol sa Pilipinas.

Nguni't maaaninawan ang gayon.

Sapagka't hindi siya katoliko at ang pagkamahabagin ay lalong buhay, at ibp."

XXIX
MANGA HULING SALITANG UKOL KAY KAPITANG TIAGO

Talis vita finis ita.

Si kabisang Tiago ay nagkaroon ng mabuting hangga, ito nga, nagkaroon ng mainam na libing. Tunay nga na ipinaalaala kay P. Irene ng kura sa parroquia na si kapitang Tiago ay namatay nang hindi nagkukumpisal, nguni't ang mabuting pari, samantalang nakangiti nang palibak, ay hinimas ang kaniyang ilong at sumagot na:

―Bah lako ba naman ang paglalakuan! kung ating ipagkakait ang exequias sa mga namamatay ng hindi nagkukumpisal, ay malilimutan natin ang De profundis! Ang mga kahigpitang iyan, gaya ng inyong pagkabatid na mabuti,