ang isang sigarilyo sa itaas ng tubo ng kinke―at ¿ano ang gagawin natin kung gayon?
―Totohanin na, sapagka't yamang pupugutan na rin lamang tayo......
Ang malakas na ubong sumasal sa platero ay nakapigil na madingig ang karugtong ng salita. Marahil ay kakilakilabot na bagay ang pinagsabi ni Chichoy, sapagka't umanyong mamamatay at ang mukha'y anyong hapon na papatay ng tao.
―Ang sabihin ninyo'y nagpapakunwaring may sakit sapagka't natatakot na lumabas! Kapagnakita ko siya....
Muling sinasal ng matinding ubo ang maestro at natuluyan nang pamanhikan ang lahat na mangag-uwian.
―Gayon man ay humanda kayo, humanda kayo,―ang sabi ng magkakastillo―Kung pipilitin tayo sa pumatay o mamatay....
Isa pang ubo ang sumasal sa kaawaawang may pagawaan at ang mga manggagawa ay nangag-uwian sa kanikanilang bahay na may dalang pamukpok, bandili at iba pang kasangkapang maipang-iiwa o maipamamalo, at humandang ipaglabang mabuti ang kanilang buhay. Si Placido at ang manggagawa ng kastillo ay muling nagsialis.
―¡Pag-iingat, pag-iingat!―ang bilin ng maestro na ang tingig ay waring sa umiiyak.
―¡Kayo na lamang ang bahala sa aking bahlo at mga mauulilang anak!―ang samo ng mapaniwalaan na ang tingig ay lalo pa manding basag.
Nakikinikinita na ng kahabaghabag na sa katawan niyay'y lusutlusutan ang punlo at nalilibing na siya.
Nang gabing yaon ay pinalitan ng mga artillerong kastila ang mga tanod sa mga pinto ng loob ng Maynila, at nang kinabukasan, ng dumudungaw na ang mga unang liwanag, si Ben-Zayb, na nangahas na maglakad upang tingnan ang kalagayan ng mga kuta, ay nakatagpo sa glacis na malapit sa Luneta ng bangkay ng isang india na magdadalaga, na, halos hubad at nakabulagta roong nag-iisa. Si Ben-Zayb ay nalunusan at matapos na matangki ng kaniyang tungkod ang patay at makatingin ng tungo sa mga pinto, ay ipinatuloy ang kaniyang lakad, na iniisip na gumawa ng isang mapanimdim na kabuhayan dahil sa pangyayaring yaon. Gayon