Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/283

From Wikisource
This page has been validated.



― 277 ―

―¡Siya nga, siya nga!―bulalas ng mapaniwalain na sumuntok sa ibabaw ng dulang.―¡Siya nga! Kaya pala si insik Quiroga...... ¡Kaya!

At napahinto dahil sa hindi maalaman kung ano ang sasabihing ukol kay insik Quiroga.

―¿At tayo ang magbabayad ng kanilang kagagawan?―ang tanong ni Chichoy na nagagalit.

―¡Ehem, ehem, ehhhem!―ang ubo ng platero na nakadingig ng lumalapit na yabag sa daan.

Tunay nga, ang mga yabag ay lumalapit at nangasihinto ang nanga sa loob ng plateria.

―Si San Pascual Bailon ay isang dakilang banal,―ang sabing malakas na pakunwaring nagbabanalbanalan ang platero, na kinindatan ang iba;―si San Pascual Bailon....

Nang sandaling iyon ay dumungaw ang mukha ni Placido Penitente, na kasama ang manggagawa ng kastillo na ating nakitang tumanggap ng utos kay Simoun. Linibid ng lahat ang mga bagong dating at tinanong ng mga balibalita.

―Hindi ko nakausap ang mga bilanggo―ang tugon ni Placido,―may mga tatlong pu!

―¡Mangagsihanda kayo!―ang dugtong ng magkakastillo na nakipagsulyapan ng mga kahulugan kay Placido,―sinasabing sa gabing ito'y magkakaroon ng katakot-takot na pugutan......

―¿Ha? ¡Lintik!―ang bulalas ni Chichoy, na lumingap ng sandata, nguni't nang walang makita, ay sinunggaban ang kaniyang tsukoy.

Ang maestro ay umupo: ang kaniyang mga paa'y nangangalog. Nakinikinita nang mapaniwalaan na ang ulo niya'y pugot, at umiiyak na dahil sa mangyayari sa kaniyang kaanak.

―¡She!―ang sabi ng taga-sulat;―¡hindi magkakaroon ng pugutan! Ang taga udyok ng―at humudyat ng may kahulugan―ay salamat at may sakit.

―¡Si Simoun!

―¡Ehem, ehem, ehhhem!

Si Placido at ang magkakastillo ay muling nagtinginan.

―Kung iyan ay hindi nagkasakit....

―Ay gagawa ng isang wari'y himagsikan!―ang dugtong na pawalang bahala ng magkakastillo, samantalang idinuduldol