Nguni't ang matapang ay nilambanog ng palo at suntok, pinagkukurot ng mga babai na waring siya ang may ari ng mga baril.
Sa Ermita ay lalong mahigpit ang nangyari, kahi't hindi lubhang nabalita, gayong nagkaroon pa ng putukan. Isang kawaning napakamaingat na nagbaluting mabuti ay nakakita, nang magtatakip-silim, ng isang bulto sa kalapit ng kaniyang bahay; inakala na niyang buongbuo na yaon ay isang nag-aaral, kaya't pinaputukan ng dalawang putok ng rebolber. Nang makita ang bulto pagkatapos ay isa palang beterana, kaya't inilibing at, pax Christi! Mutis!
Sa Dulungbayan ay umugon din ang ilang putok na ang napatay ay isang kaawaawang matandang bingi na hindi nakadingig sa quien vive ng bantay, at isang baboy na nakadingig nguni't hindi sumagot ang España. Ang matanda'y hindi nailibing kaagad sapagka't walang maibayad sa simbahan, at ang baboy ay pinagkainanan.
Sa loob ng Maynila, sa isang tindahan ng matamis na kalapit ng Unibersidad, na laging dinadayo ng mga nag-aaral, ay pinag-uusapan ang mga pagkakahulihan, sa ganitong ayos:
—¿Ya cogi ba con Tadeo?—ang tanong ng babaing may ari ng tindahan.
—Aba, ñora,—ang sagot ng isang nag-aaral na natitira sa Parian,—pusilau ya!
—¡Pusilau! ¡Naku! No pa ta paga conmigo su deuda.
—¡Ay! no jabla vos puelte, ñora, baka pa de queda vos complice. ¡Ya quema yo nga el libro que ya dale prestau conmigo! ¡Baka pa de riquisa y de encontra! ¡anda vos listo, ñora!
—¿Ya queda dice preso Isagani?
—Loco-loco tambien aquel Isagani,—ang sabing namumuhi ng nag-aaral;—no sana de cogi con ele, ta anda pa presenta! ¡Oh, bueno nga, que topa rayo con ele! ¡Siguro pusilau! senta! ¡Oh, bueno nga, que topa rayo con ele! ¡Siguro pusilau!
Kinibit ng babai ang balikat.
—¡Conmigo no ta debe nada! ¿Y cosa de jase Paulita?
—No di falta novio, ñora. Siguro de Ilora un poco, luego de casa con un español.
Ang gabing iyon ay naging isa sa mga lalong malulungkot. Sa mga bahaybahay ay nagdadasal ng rosario at may mga maawaing babaing nagpapatungkol na ng maha-