Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/277

From Wikisource
This page has been validated.


― 271 ―


tindahan na nakataas ang isang paa na gaya ng kaugalian, sa takot na baka sila gahulin sa pag-uunat upang tumakbo. Nang ika labing-isa ng umaga, kahi't na patuloy ang araw sa kaniyang lakad at ang Marilag, ang Capitan General, ay hindi lumalabas na nangunguna sa kaniyang mga mapagwaging kabig, ay naglalo pa mandin ang ligalig: ang mga prayleng laging pumaparoon sa tindahan ni Quiroga ay hindi nangasisipot at ang bagay na ito'y nagsasabing may mga kakilakilabot na mangyayari. Kung ang araw ay parisukat sana ng sumilang at ang mga Kristo ay mga nakapantalon, ay hindi marahil makabakla kay Quiroga na di gaya noon: inari niyang liampo marahil ang araw at ang mga santong larawan ay mga manglalaro ng chapdiqui na nangahubaran: nguni't lang hindi pagsipot ng mga prayle na nataon pa naman sa pagtanggap niya ng mga bagong bagay!

Sa bilin ng isang provincial na kaibigan niya, ay ipinagbawal ni Quiroga sa kaniyang mga bahay na pinaglalaruan ng liampo at chapdiki ang pagpasok ng sino mang indio na hindi dating kilala; ang magiging konsul ng insik ay nangangambang baka nakawin ang salaping ipinatatalo roon ng mga mahihirap. Matapos na maihanda ang kaniyang tindahan na mangyayaring biglang ilapat ang mga pinto sa isang sandali, ay napaabay sa isang bantay na veterana sa maikling pag-itan ng bahay ni Simoun sa kaniyang bahay. Inakala ni Quiroga na iyon ang sandaling lalong kapit upang gamitin ang mga baril at punglo na nasa kaniyang imbakan, alinsunod sa paraang sinabi sa kaniya ng manghihiyas: maasahang sa mga araw na susunod ay ipag-uutos ang paghalughog sa mga bahaybahay at sa gayo'y gaano ang mabibilanggo, gaano ang taong sa katakutan ay hindi ibibigay ang lahat ng naiimpok! Yaon ang paraan ng mga dating carabinero, na nagsusulot sa mga silong ng bahay ng mga tabako at dahong ipinagbabawal, pagkatapos ay magpapakunwaring manghahalughog at pipilitin ang kahabaghabag na may bahay na sumuhol o magmulta! Ang kaibahan nga lamang ay sa dahilang lalong naaayos ang paraan, at sa dahilang hindi na pigil ang tabako ay ang mga armas na bawal naman ang ginagamit sa ngayon!

Nguni't si Simoun ay ayaw makipagkita sa kanino man at ipinasabi kay insik Quiroga na bayaan sa pagkakalagay