Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/276

From Wikisource
This page has been proofread.


― 270 ―

―¡Ang binatang iyan ay sasama at makasisira sa atin! Dapat mapag-alamang ang mga pagkukurong iyan ay hindi dito natutuhan!

Hindi nangagbulaan ang mga hesuita, hindi; ang Dios ang tanging nagkakaloob ng mga pagkukurong iyon, sa tulong ng Kalikasan.

XXVIII
TATAKUT

Naging parang manghuhula si Ben-Zayb nang patunayan sa kaniyang pamahayagan, ng mga nakaraang araw, na ang pag-papaaral ay masama, lubhang makasasama sa Kapuluang Pilipinas: ngayon, sa harap ng mga nangyari niyong araw ng biernes ng mga paskin, ay nangakak ang manunulat at inaawit ang kaniyang pagtatagumpay, at pinapangliit at nilito ang kaniyang kalabang si Iloratius na nangahas na kutyain siya sa tudling ng Pirotecnia sa ganitong paraan:

* * *

Sa aming kapamahayagang El Grito:

"Ang pagpapaaral ay masama, lubhang makasasama sa Pilipinas!" Nalinawan na namin. Malaou nang inaakala nang El Grito na kinakatawan niya ang bayang pilipino; ergo........ gaya nang wiwikain ni Fray Ibañez, kung marunong nang latin.

Nguni't si Fray Ibañez ay nagiging musulman kapag sumusulat, at alam natin kung papano ang ginagawa nang mañga musulman sa pagpapaaral.

Testiga, gaya nang sabi nang isang maalindog na predicador, ang aklatan sa Alejandria!

* * *

Ngayon ay may katwiran siya, si Ben-Zayb! ¡Sa siya ang tanging nag-iisip sa Pilipinas, ang tanging nakahuhula ng mga mangyayari!

Kaya nga, ang balitang nakakuha ng mga pasking masasagwa ang sinasabi sa mga pinto ng Universidad, ay hindi lamang nakapag-alis ng gutom sa marami at nakasira ng tiyan sa iba, kundi nakapagpagulo rin sa mga mahinahong insik, na hindi nakapangahas na maupo sa kanilang mga