mahal na tao, sa pagkamapagmataas at sa pagkamahaldika? Sapagka't ang tagalagda namin ng kautusan, sa loob ng lalong mabuting adhika, ay nangag-alinlangan sa kaniyang pagkamahal, sinugatan ang kaniyang kataasan at hinamon ang kaniyang pagkamahaldika! ¿Ibig ninyong gumawa sa España ng isng daanan sa gitna ng mga talampas? Kung gayo'y lagyan ninyo doon ng isang babalang maghasa na ipinagbabawal ang magdaan, at iiwan ng bayan, na tumututol sa pagbabawal, ang daanan upang mangunyapit sa mga bato. Sa araw na ipagbawal sa España ang kabaitan, ng isang unanggagawa ng kautusan, at ipaganap na sapilitan ang kasamaan, sa kinakukasan ay mabait na lahat ang tao!
Huminto ang dominiko, at pagkatapos ay nagpatuloy:
―Nguni't masasabi ninyong lumalayo tayo sa salitaan; magbabalik ako.... Ang masasabi ko upang kayo'y maniwala, ay, na ang kasiraang tinataglay ninyo ay hindi nararapat na ibintang sa amin ni sa pamahalaan; iyan ay nasa sa di wastong pagkakatatag ng aming kapisanan, qui multum probat, nihil probat na nasasawi sa kahigitan sa pag-iingat, kakulangan sa kailangan at lampas doon sa kalabisan.
―Kung kinikilala ninyo ang mga kasiraang iyan ng inyong kapisanan,―ang tugon ni Isagani,―¿bakit nanghihimasok sa pag-aayos ng kapisanan ng iba at hindi ang unahin ay ang sarili muna?
―Napapalayo tayo sa ating salitaan, binata; ang kaparaanang pagsang-ayon sa mga bagay na nangyari na ay dapat tanggapin....
―;Kahi't na! tinatanggap ko, sapagka't isa ng nangyari at patuloy ako sa pagtatanong: ¿bakit, kung ang pagkakatatag ng inyong kapisanan ay may kasiraan, ay hindi ninyo palitan o kaya'y dinggin man lamang ang tingig ng mga napipinsalaan?
―Nalalayo pa rin tayo: ang pinagsasalitaan natin ay kung ano ang nasa ng mga nag-aaral sa mga prayle....
―Sapol sa sandaling ang mga prayle ay nagkakanlong sa likod ng pamahalaan ay ito na ang tutunguhin ng mga nag-aaral.
Ang pakli ay makatwiran; sa dakong iyon ay walang lulusutan.