Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/270

From Wikisource
This page has been proofread.


— 264 —


lat-kayong ugali; yaong pinagkakaitan ng katotohanan ay binibigyan ng kasinungalingan; ang nagpapakadahas ay gumagawa ng alipin. Walang mabuting aral, ang wika ninyo, kahi't na! kahi't mangyayaring pabulaanan kayo ng mga talaan, sapagka't dito'y hindi nangyayari ang mga pagkakasalang kagaya ng sa maraming bayang nabubulag sa kanilang palalong taguring nangag-aayos ng ugali. Datapwa'y kahi't hindi hangad ang suriin sa ngayon kung ano ang bumubuo ng hilig at sa dahilang natutungod sa kabutihang ugali ang aral na tinanggap, ay sang-ayon ako sa inyo na kami nga'y may kasiraan. ¿Sino ang may sala sa pangyayaring iyan? ¿O kayong may tatlong daa't limang pung taong naghahawak ng aming ikatututo o kaming umaalinsunod sa lahat ng bagay? Kung makaraan ang tatlong daa't limang pung taong naghahawak ng aming ikatututo o kaming umaalinsunod sa lahat ng bagay? Kung makaraan ang tatlong daa't limang pung taon ay walang nayari ang eskultor kundi isang walang ayos na larawan, ay lubhang napakatunggak.

―O masama ang putik na ginagamit.

―Lalo pang tunggak kung gayon, sapagka't alam na masama pala ay hindi iniiwan ang putik at nagpapatuloy sa pag-aaksaya ng panahon.... at hindi lamang tunggak, kungdi nagdadaya at nagnanakaw, sa dahilang batid na walang kapararakan ang kaniyang gawa ay ipinagpapatuloy upang tanggapin ang kaupahan.... at hindi lamang tunggak at magnanakaw kung di taksil sapagka't humahadlang na ang lahat ng ibang eskultor ay sumubok ng kanilang kaya upang tingnan kung makakayari ng bagay na may halaga! ¡Kalaitlait na pangingilag ng walang kasapatan!

Ang tugon ay napakatindi at naramdaman ni P. Fernandez na siya'y nasilo. Tiningnan si Isagani at namalas niyang malaki, hindi madadaig, namamaibabaw at noon lamang siya naranasan, sa boo niyang kabuhayan, ang pag-aakalang siya'y tinalo ng isang nag-aaral na pilipino. Nagsisi siya dahil sa kaniyang pakakahamon sa pagtatalo, nguni't huli na. Sa kaniyang kagipitan at sa pagkakalagay sa harap ng gayong dapat katakutang kalaban ay humanap ng mabuting kalasag at pinaghawakan ang pamahalaan.

—Ipinapataw ninyo sa amin ang lahat ng kasalanan, sapagka't wala kayong nakikita kundi kaming kalapit,—ang sabing ang boses ay wala nang pagmamataas,―talagang gayon, hindi ko ipinagtataka! kinamumuhian ng bayan ang