Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/27

From Wikisource
This page has been validated.


— 21 —


ang wikang kastilà. Diyan ninyó mákikita tukayo, ang katunayan ng paurong na lakad natin. Noong aming kapanahunan ay nag-aaral kami ng latín, sapagka't ang lahat ng aming mga aklát ay nasa wikàng latín ngayon ay kaunting latín na lamang ang inyong pinag-aaralan, nguni't walâ kayóng mga aklát sa wikàng latín; sa isáng dáko namán, ang inga aklát ninyo'y nasa wikàng kastilà at hindi itinuturò ang wikàng itó: ætas parentum pejor avis tulit nos nequiores! gáya ng sabi ni Horacio.

At másabi ito'y lumayong nagmamalaki na waring isáng emperador romano.

—Iyáng mga tao sa una,-ani Isagani, ay may puná sa lahát; ipalalagay mo sa kanila ang isang bagay at walang makikitang kabutihan kun di pawàng salabíd. Ibig niláng dumating na lahát ng palás at bilóg na wari'y bola ng bilyar.

—Ang amaín mo ang kasundông-kasundo niyá-ang wikà ni Basilio; paguusapan iyong kanilang kapanahunan.... Hintáy ka nga palá, ¿anó ang sabí-sabi ng amaín mo kay Paulita?

Si Isagani ay namulá.

—Sinermonan ako ng ukol sa pag-aasawa.... Sinagót ko siyáng sa Maynilà ay walang kaparís niyá, magandá, may pinag-aralan, ulila......

—Mayamang-mayaman, makisig, masaya at walang kasiraan kung di ang pagkakaroon ng isang inaling tiwali sa langit at sa lupà, ang dugtong na tumatawa ni Basilio.

Si Isagani mán ay napatawá rín.

—Mábanggit nga pala ang ali, alám mo bang ipinagbilin. sa aking hanapin ko ang kaniyang asawa?

—¿Si aling Victorina? ¿At nangako ka namán upang huwag kang mawalán ng iniirog?

—Mangyari pá! Nguni't ang bagay nito'y sa bahay pa. namán ng amaín ko.... nagkakanlóng ang asawa.

Kapuwa sila nagkatawanan.

—Itó ang sanhi,—ang patuloy ni Isagan—kung kaya ang aking amaín, taong matalino, ay ayaw pumasok sa kámara, dahil sa nangingilag na bakâ itanóng sa kaniyá ni aling Victorina, si D. Tiburcio. ¡Akalàín mo bang ng mabatid ni aling Victorina na ang bayad ko'y "de tercera" ay tiningnán ako ng wari pakutya....