nguni't hindi nangagpakalabis. Samantalang nanagumpay ang
pagkakahilig sa pag-aaral sa mga clásico (liwanagin ninyong
mabuti, mga binatà), ang apian ay naging gamót lamang,
at kung hindi, ay, sabihin ninyo sa akin kung sino ang
nangagsisihitít. Ang mga insík, ang mga insík na hindi nakaáalám ng isá mang salitang latín! Ah, kung pinag-aralan.
lamang ni kapitán Tiago si Ciceron!....
At ang di kasiyahang loob na lalong clásico ay nábakas sa mukha niyang epicuro na ahít na ahít. Pinagmamasdán siyang mabuti ni Isagani: ang matandang iyon ay nagdaramdám ng kauhawan sa matatandang bagay.
-Nguni't balikan natin ang tungkol sa Akademia ng wikang kastilà--ang patuloy ni kapitang Basilio-pinatutunayan ko sa inyong hindi ninyó magagawa......
-Magagawa pô, inaantay na lamang namin ngayón ó bukas ang pahintulot ang sagot ni Isagani-si P. Irene, na marahil ay nakita ninyo sa itaas, na hinandugán namin ng dalawang kabayong castaño, ay nangako na sa amin. Kaya't makikipag-usap sa General.
—Walang kabuluhan iyon; laban si P. Sibyla.
—Lumaban man siya! Kaya nga't kasama upang..... sa Los Baños, sa harap ng General.
At sa pagsasabi ng ganitó'y pinagbubunggong pasuntók ng nag-aaral na si Basilio ang kaniyang dalawang kamay.
—Batid ko na!-ang tugóng tumatawa ni kapitáng Basilio Nguni't kahi't ninyó mákuha ang pahintulot, ¿saan kukuha ng salapî?....
—Mayroon na pô kamí; ang bawa't nag-aaral ay aambág ng sikapat.
Nguni't ang mga magtuturò?
—Mayroon kamí; ang kalahati'y pilipino at ang kala- hati'y kastilà.
—¿At ang bahay?
—Si Makarafg, idudulot ng mayamang si Makaraíg ang isá niyang bahay.
Napahinuhod si kapitáng Basilio; náihandâ ng mga binatang iyon ang lahat ng kailangan.
—Kun sa bagay, anyang kinibít ang balikat, —ay hindi lubhang masama ang panukalà, at yamang hindi na mangyayaring mapag-aralan ang latín, ay mapag-aralan man lamang