tangkang matulog ang ilang insík na mámimili, mga liyó,
nanğamumutlá, sumasago ang laway sa mga nakanganğáng
bibíg, at naliligò sa malagkit na pawis ng kanilang katawan.
Ang ilang binatà lamang, na ang karamihan ay nangagaaral, madaling makilala dahil sa kanilang kagayakang lubhâng maputi at sa maayos na kiyas, ang nangangahás magyao't dito sa popa at proa, na palundáglundág sa mga bakol at kaha, masasaya dahil sa nálalapit na pagpapahingá
sa pag-aaral. Mayâmaya'y pinagtatalunan ang mga galáw
ng mákina, na inaalaala ang napag-aralan, at mayamaya'y
nangagpapaligidligid sa mga binibining kolehiala, sa maghihitsóng may mapupuláng labi at may kuwintás na sampaga,
at inaapungutan ang mga dalaga ng mga salitang nagpapatawa ó ikipinagtatakip sa mukha ng mga pamaypay na may
pintá.
Nguni't ang dalawa ay hindi nakikihimasok sa mga maglalakbay na babai kundi nakikipagtálo, sa may dakong proa, sa isang matanda na may makiyas at matuwid na tindig. Siláng dalawa'y kapuwa kilalá at iginagalang mandía alinsunod sa tinging ipinatátanaw sa kanilá ng ibá. Ang pinakamatandâ ngà sa dalawá, na pulós na itím ang kagayakan, ay si Basilio na nag-aaral sa Medisina, kilala dahil sa kaniyang mabubuting panggagamót at mga kahangahangàng pangangalagà sa mga may sakit. Ang isa, ang malaki at malusog ang katawan, kahit bata kay sa una, ay si Isagani na isá sa mga makatà ó kun di man makatà ay mánunuláng Jumabas ng taong iyon sa Ateneo, may tanging kaugalian, parating walang kibo at lubhang malungkutin. Ang matandáng katungo nila ay si kapitáng Basilio na namilí sa Maynilà.
—Opò, mabutíbutí na si kapitang Tiago, ang sabi ng nagaaral na iginagalaw ang ulo ayaw pumayag sa anománg pangangalagà...... Sa udyók ng ilan ay pinatungo akó sa S. Diego, sa kadahilanang dalawin ko ang bahay doon, nguni't. ang tunay na sanhi ay upang makahitit lamang siya ng apian. Sa pagsasabi ng nag-aaral ng salitang ilan ay si P. Irene ang tinutukoy, matalik na kaibigan at tanungan ni kapitáng Tiago sa mga huling araw ng kabuhayan nitó.
Ang apian ay isá sa mga salot ng kapanahunang itó ang sabing paalipusta't pagalít ni kapitán, na wari'y senador romano-nákilala rin ng mga tao sa una ang apian,