upang makabatid ng bagay na iyan, sukat na ang magkaroon ng paningin!
—Iyán ngâ, mğa susông maliliít!-ang ulit ni D. Custodio na iginagalaw ang hintuturo at alám ninyó kung saan kinukuha?
Hindi rin batid ng ulong mapag-isip.
—Kung kayo'y nanirahan na sa lupaing ito ng kágaya. ng haba ng aking paninirahan, ay mababatid ninyong nakukuha sa wawà at doon ay marami na kahalò ng buhangin.
—¿At ang inyong munakalà?
-Iyán ngâ ang tungo ko. Pipilitin ko ang lahát ng bayang kalapit ng wawà na mag-alagà ng pato, at makikita ninyo na silá, sa kanilang sarili, ay palalalimin nila ang wawà. sa panghuhuli ng suso... Ganiyáng ganiyán.
Binuksan ni D. Custodio ang kaniyang dalawang bisig. at malugód na tinanáwtanáw ang pagkakagulilát ng mğa nakikingíg sa kaniya; walang isá mang nakaisip ng gayóng kainam na panukalà.
-¿Pinahihintulutan baga ninyong makasulat akó ng isang artículo ukol sa bagay na iyan?-ang tanong ni Ben-Zay napakakaunti ang nag-iisip sa lupaing itó....
-Nguni't D. Custodio, ani aling Victorina na nagpakendengkendeng at kumilingkiling-kung ang lahat ay magbalaga ng pato ay dadami ang itlog na balót. ¡Uy nakapangdidiri! ¡Matabunan na muna ang wawà!
Sa silong ay ibá naman ang nangyayari. Nangakaupo sa bangko at sa maliliit na luklukang kahoy, kasalamuhà. ng mga maleta, bakol at tampipì, sa kalapít ng makina, init ng kaldera, singaw ng katawáng tao at mabahòng amoy ng langis, ay naroon ang lalong makapál na taong sakáy.
Tinátanáw na matahimik ng ilan ang sarisaring anyô. ng mga pangpangin sa gitna ng dagundóng ng mga pala, ingay ng makina, sagitsít ng nakatatanang singáw, buluwák ng tubig na nahahalò, pasuwit ng pakakak. Sa isang sulok, nagkakapipisang wari'y bangkáy, ay natutulog ó nagtá-