Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/23

From Wikisource
This page has been validated.


— 17 —


ling malaking halaga ay nakabubulag at tinatanggap agád.... dahil dito!

Pinagkiskis ni D. Custodio ang kaniyang mga daliring hinglalaki, hintuturò at panggitna.

—Mayroon ngâng kaunti niyan, kaunti niyan-ang akalà ni Ben-Zayb na dapat niyang isagót, dahil sa kaniyang pag- kamamamahayag ay dapat makaalám ng lahat.

—Tignan ninyó, una diyan sa mga gawain ng Obras del Puerto, ay nagharáp akó ng isang munakalà, bago, malinaw, mapakikinabangan, munting gugol at magagawa upang luminis ang wawà ng dagat na tabáng, at hindi tinanggap dahil sa hindi nagbibigay ng ganitó!

At inulit ang kiskis ng mga daliri, kinibit ang balikat. at ang lahat ay tinignán na waring ang ibig sabihin ay: ¿Nakakita na kayo ng ganiyang kasawián?

—At ¿maari bagang mabatid ang palagáy?-At..-Abá! -ang pamangha ng isa't isá na nangaglapitan at nagkagipitan sa pakikingig. Ang mga munukalà ni D. Custodio ay pawang bantóg na kagaya ng mga yaring lunas ng mga manggagamot.

Kaunti ng hindi sabihin ni D. Custodio ang bagay, sa- pagka't nagdamdám dahil sa hindi siya sinang-ayunan noong dinudusta si Simoun. "Pag walang panganib ay ibig ninyong ako'y magsalita, ha? at pag mayroon ay wala kayong imík", ang sasabihin sana; nguni't ang gayon ay isang pagpapakawala ng isang mabuting pagkakataon at yayamang hindi na maisasagawa ang panukala ay makilala man lamang at hangaan.

Matapos ang dalawá ó tatlóng bugá ng asó, umubó at lumurâ ng patagilíd, ay tinanong si Ben-Zayb, na sabay ang tampál sa hità nitó.

—¿Nakakita na ba kayó ng pato?"

—Tila... nakahuli kami sa lawà-ang tugong pahanĝâ ni Ben-Zayb.

—Hindi, hindi ko tinutukoy ang patong bukid, ang tinutukoy ko'y ang mga maamo na ináalagàan sa Pateros at sa Pasig. At ¿alám ninyó kung ano ang kanilang kinakain?

Si Ben-Zayb, ang tanging ulong nag-iisip, ay hindi nakaáalám niyon; hindi niya napanghihimasukan ang hanapbuhay na iyon.

—Mga susông maliliit, tao kayo, mga sitsông maliliit! ang sagot ni P. Camorra-hindi kailangang maging indio