Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/22

From Wikisource
This page has been validated.


— 16 —


nároonan ay hindi nakatagpo ng isang katunggaling kagaya niyon. Ang gayon ay napakalabis.

—Isáng mulato amerikano! -ang pabulalás na ungol.

—Indio-inglés!-ang marahang sabi ni Ben-Zayb.

—Sinasabi ko sa inyong amerikano, ¿hindi ko malalaman? —ang tugóng nayayamót ni D. Custodio-sinabi sa akin ng General; iya'y isang mag-aalahás na nákilala niya sa Habana at ayon sa hinala ko'y siyang nagbigay sa kaniya ng katungkulan, sapagka't pinautang siya ng salapi. Kaya nga, upang mabaay pinaparito at ng gawin ang balà na, dagdagán ang kaniyang kayamanan sa pagbibili ng mga brillanteng.... hindi totoo, lanó ang malay natini At napakawalang lingap, na, matapos kunan ng salapi ang mga indio ay ibíg pang..! !Pf!

At tinapos ang salita sa isang makahulugang kilos ng kamáy.

Walang makapangahás na makisali sa gayong mga pagalimura; si D. Custodio ay nangyayaring makipagsirâ sa Capitán General kung ibig niya, nguni't ni si Ben-Zayb, ni si P. Irene, ni si P. Salvi, ni ang hinalay na si P. Sibyla ay walang katiwala sa paglilihim ng iba.

—Ang taong iyan, sapagka't amerikano, ay nag-aakalang ang kákaharapin natin ay ang mga "pieles rojas".... ¡Mag- salita ng mga bagay na iyan sa loob ng isáng bapor! ¡pagutos, pilitin ang tao!.... At iyan ang nag-udyók ng pagsalakay sa Carolinas, ng pagdigma sa Mindanaw na pupulubi ng kalaitlait sa atin.... At siya ang humandóg. na mama gitná sa paggawa ng "crucero", nguni't ang tanong ko na mán: ¿anó ang muwang ng isang nag-aalalás, kahit na napakayaman at napakabihasa, sa pagpapagawa ng mga daóng?

Ang lahat ng ito'y sinasabing pinalalaki ang boses ni D. Custodio, kay Ben-Zayb, na sabay ang kumpáy. higit ng balikat, maminsan minsang tumátanóng sa tingin sa ibang iginagalaw namán ang ulo nang walang ibig turan. Ang kanónigóng si P. Irene ay napapangiting walâng ibig sabihin, na tinátakpán ng kamay sa tulong ng paghaplós sa kaniyang ilóng.

—Sinasabi ko sa inyó, Ben-Zayb-ang patuloy ni D. Custodio na ináalóg ang bisig ng ináalóg ang bisig ng manunulat ang lahát ng kasamâáng nangyayari ay sanhi ng hindi pagtatatanóng sa mga taong may malaong paninirahan dito. Isang panukulàng may malalaking salita at malaking gugol, isáng gugu-