Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/21

From Wikisource
This page has been validated.


— 15 —

Napagkikilala na ang Simoung yaón ay napakamapagmalakí ó walang pinagaralan. ¡Ipamukha kay D. Custodio na hindi nakababatid ng kasaysayan, ay isang bagay na makagagalit sa kahit kanino! At gayón nga ang nangyari, nakalimot si D. Custodio sa dating hilig at sumagot ng:

-Ang bagay, ay sa dahiláng hindi chipsio ni hudio ang inyong mga kakaharapin! -At ang bayang ito'y hindi miminsang naghimagsik na -ang dugtong na may munting takot ng dominiko-noong kapanahunang pinahihila ng malalaking kahoy upang gawing mga daóng, kung hindi dahil sa mga pari....

- Ang kapanahunang iyon ay malayò na;-ang sagot ni Simoun na ang tawa'y lalo pa mandíng matigás kay sa karaniwan ang mga pulông ito'y hindi muling maghihimagsik ng dahil sa mga gawain at buwis...... ¿Hindi bagá pinupuri ninyo P. Salvi-ang dugtóng, na, ang hinarap ay ang payát na pransiskano-ang bahay at pagamutan sa Los Baños na kinaroroonan ng General?

Iginaláw ni P. Salvi ang ulo at tuminging may pagkakamangha sa tanong.

¿Hindi bagá sinabi ninyó sa aking ang dalawáng bahay na iyon ay naitayo sa tulong ng pagpilit sa mga bayan na gumawa doon, sa ilalim ng kapangyarihan ng isang uldóg? Marahil, ang Puente del Capricho, ay nayari din sa gayóng kaparaanan. At sabihin ninyo naghimagsik hagá ang mğa bayang itó?

-Nguni't.... naghimagsik na noong araw-ang sabi ng dominiko at ab actu ad posse valet illatio.

-Walâ, wala, wala!-ang patuloy ni Simoun na humandang dumaan sa escotilla upang pumanaog sa kámaraang nasabi ay nasabi na. At kayó P. Sibyla ay huwag bu- manggit ng mga wikàng latín at ng mga katunggakán. ¿Sa anó't náririto kayóng mga prayle kung maaaring maghimagsík ang mga bayan?

Si Simoun ay pumanaog sa munting hagdanan, na hindi pinansin ang mga tutol at sagót, at inuulit ulit ang salitâng: Vaya, vaya!

Si P. Sibyla ay namutlâ; noon lamang siya, Vice-Rector ea Universidad, napagsabihang may katunggakán; si D. Custodio ay kulay berde; sa alín mang pulong na kanyáng ki-