Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/20

From Wikisource
This page has been validated.


— 14 —

-Hindi makasásapát, ginoong Simoun!

-Kung hindi sásapát, ang lahat ng bayan, ang mga matatandâ, ang mga binatà, ang mga batà, ay gumawå, at palitan ang labing limang araw na sápilitang paggawa, ng tatlo, apat ó limang buwang paggawa na ukol sa Pamahalaan, na may katungkulan pang ang bawà't isá ay magdalá ng kaniyang pagkain at kasangkapan.

Si D. Custodio ay sindák na luminğón upang tanawin kung sa kalapít ay may isang indio na nakakádingíg sa kanilá. Salamat na lamang at ang nangaroroon ay pawàng taga bukid, at ang dalawáng timonel ay waring walang pinápansín kun di ang mga liko ng ilog.

-Nguni't, ginoong Simoun.....

-Manalig kayo, D. Custodio-ang matigás na patuloy ni Simoun sa ganiyang paraan lamang nayayari ang malalaking gawain, sa munting gugol. Sa ganiyang paraan nayari ang mğa Pirámide, ang lawàng Mæris at ang Coliseo sa Roma. Booboông lalawigan ay nanggagaling sa mga kaparangan na daládalá ang kanilang mga sibuyas upang may mákain; ang mga matatandâ, mga binatà at mga bata ay nangaghahakót ng bató, tinatapyás nilá at pinápasán sa pamamahalà ng pamalò ng nakapangyayari; at pagkatapos ay bumabalik sa kanikanilang bayan ang nangğálabí, ó nangamamatay sa buhanginan ng kalawakan. Makaraán yaón ay dumádating ang ibang lalawigan, pagkatapos ay ibá namán, sunod sunod sa paggawa sa loob ng mga taón; ang gawain ay natatapos at ngayo'y hinahangaan natin, naglalakbay tayo, napaparoon. tayo sa Egipto o sa Roma, pinupuri natin ang mga Faraon, ang mga mag-aanak na Antonina...... Maniwalà kayó D. Custodio; ang mga patay ay naiiwang patay at ang malakás lamang ang binibigyán ng katwiran ng mga kapanahunang súsunód.

-Nguni't ang mga ganiyang kaparaanan, ginoong Simoun, ay mangyayaring maging sanhi ng kaguluhan-ang sabi ni D. Custodio na hindi mápalagay dahil sa masamang tungo ng salitaan.

-Kaguluhan; ha, ha! Naghimagsik baga ang bayang ehipsio minsan man, naghimagsik ang mga piít na hudio ng. laban sa maawaing si Tito? ¡Hindi ko akalaing mahinà palá kayó sa mga bagay na násasabi sa kasaysayan!