itím, madalang, na nagpapakilala ng kaniyang pagkamestiso.
Upang iwasan ang sinag ng araw ay palaging gumagamit ng
salaming asul na de rejillas, na tumátakip sa kaniyáng mga
matá at bahagi ng mga pisğí, na siyang nagbibigay sa kaniya
ng anyong bulág ó may sakit sa matá. Nakatayong ang paa'y
nakabikaka upang makapanimbang wari, ang mga kamay ay
nakapasok sa mga alapót ng kaniyang chaqueta.
-Ang kagamutan ay lubhang madali--ang ulit at walang magugugol.
Ang pakikingíg na mabuti ay nag-ibayo. Násasabísabí sa mga lipunán sa Maynilà na ang taong iyon ay siyang sinusunod ng General, kaya't nakikinikinitá na ng lahat na ang kagamutan ay magagawa. Pati si D. Custodio ay napalingón.
-Magbukás ng isáng ludlód na tuwid, mula sa pagpasok ng ilog hangång sa paglabás, na dádaan sa Maynilà, itó nga, gumawa ng isang bagong ilog na lullód at tabunan ang dating ilog Pasig. Hindi mag-aaksayá ng lupà at iikli ang paglalakbay, mapipigil ang pagkakaroon ng dakong mababaw. Ang panukalang ito'y nakalitó sa lahát halos, na nahirati sa mga paraang tapaltapal.
-Isáng munakalang yankee-ani Ben-Zayb, na ibig kalugdán ni Simoun-Ang mag-aalahás ay malaong naninirahan sa Amerika, sa Hilagà.
Inari ng lahát na malaki ang palagay at ang gayón ay ipinakilala sa mga galáw ng ulo. Tangi si D. Custodio, ang may magandang loob na si D. Custodio, na dahil sa kaniyang malayang kalagayan at matataás na katungkulang ginaganap, ay nag-akalang nararapat na bakahin niya ang isang panu. kala na hindi sa kaniya bubat-iiyon ay isang pangungunang baít!--umubó, hinaplós ang kaniyang misay at sa tulong ng kaniyang matigas na boses at waring nasa sa isang sadyang pagpupulong ng Ayuntamiento, ay nagwikàng:
-Patawarin akó ni G. Simoun, na aking kagalanggalang na kaibigan, kung sabihin kong hindi niya ako kasang-ayon; maraming salapi ang magugugol at marahil ay sisirà tayo ng mga bayanan.
-Sumirà! ang mahinahong sagot ng mag-aalahás.
-¿At ang salaping ibabayad sa mga manggagawà?
-Huwag bayaran. Sa mga bilanggo at presidiario.....