Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/18

From Wikisource
This page has been validated.


— 12 —

-¿Alám bagá ninyó kung ano ang mga taong marurunong. Ben Zay b?-anáng pransiskano na ang boses ay malalim, na hindi man lamang halos gumalaw sa kaniyáng nupan, at ang mga nangangalirang na kamay ay bahagya nang ikilos-Nariyan sa lalawigan ang Puente del Capricho, na gawa ng isang kapatid namin, at hindi nayari, sapagka't pinintasáng mahinà at mapanganib ng mga marurunong, sa panunulay sa kaniláng mga sapantahà, nguni't tignan ninyo't nariyan ang tuláy na naglálabán sa lahát ng baha at lindol.

-Iyan, puñales, iyang talaga, iyan nga sana ang sasabihin ko ang wika ng paring artillero na kasabay ang suntók sa gabay ng kaniyang luklukang kawayaniyan, ang Puente del Capricho at ang mga marurunong; iyan sana ang bihin ko, P. Salvi, puñales.

Napahintông nakangiti si Ben-Zayb, marahil lang ó kaya'y dahil sa sadyang walang maalamang isagot; kahit gayong isiya ang tanging nag-iisip dito sa Pilipinas! Si P. Irene ay sumasang-ayon sa tulong ng ulo, samantalang pinapahidpahiran ang kaniyang mahabang ilóng.

Si P. Salvi, iyong paring payát at nangangalirang, ay nagpatuloy, na waring nasiyahan sa gayong pangangayupapà, sa gitna ng katahimikan:

-Datapwâ'y hindi ibig sabihin ng ganitó na kayo'y wala sa katwiran at gayón dín namán si P. Camorra (itó ang pangalan ng paring artillero); ang kasamaan ay nasa lawà.....

-Sadya namang walang mabuting lawà sa lupaing itó ang patlang ni aling Victorina, na muhing muhi na at humandâ upang lusubing muli ang kutà.

Ang mga binabakod ay sindák na nagtinginan, nguni't, gaya. ng katalasan ng isang general, dumulóg ang mag-aalahás na si Simoun:

-Ang kagamutan ay napakadali,-anyá na ang pagbigkás. ng salita ay katangitangi, kalahating inglés at kalahating amerikano sa Timog—at hindi ko nga maalaman kung bakit. hindi pa náiisip ng kahit sino.

Ang lahat ay luminğón, sampû ng dominiko, at pinakinggán siyang mabuti. Ang mag-aalahás ay isang taong yayát, mataas, malitid, nápakakayumanggi, suot inglés at ang ginagamit. ay waring salakót na timsim. Katangitangi sa kaniya ang mahabang buhok na puting puti na nátitiwali sa misáy na