ng ang kaniyang asawa ay makatanan, ay saka pa lamang
náramdaman ang sakit at náhigang ilang araw, sa gitna ng
pagkagalák ni Paulita na mahilig sa pagtatawá at pagbibiro
sa kaniyang ali. Nguni't ang asawa, sindák sa nágawang
kasalanan, na
na sa kaniya'y waring isáng kakilakilabot na
pagpatay sa kabiyak ng pusò ang gayóng nágawa, habol ng
mga furia sa tahanan (ang dalawang aso at isáng loro sa
bahay), ay nagtatakbó ng boông tuling ipinahintulot ng kaniyang pílay, lumulan sa unang sasakyang natagpuán, su-
makay sa unang bangkâng nakita sa isang ilog, at, Ulises
na pilipino, nagpagalàgalà sa mga bayán-bayán, sa isa't isáng
lalawigan, sa isa't isang pulô, na pinamumuntután ng kaniyáng Calipso, na naka quevedo, na nakayayamot sa bawa't
mákasama sa paglalakbáy. Tumanggap ng balità na
lalaki'y nagtatago sa isang bayan ng Laguna, kaya't yáon
na siya upang akitin sa tulong ng kaniyang buhok na
tininà.
Ang mga kasabay ay nagkáisáng magsanggalang sa kaniyáng pakikitungo sa pamagitan ng isang walang hintông pagsasalitaang ang balàng bagay ay pinagtalunan. Sa mga sandaling iyon, dahil sa palikôlikô ng ilog, ay pinag-uusapan ang pagtutuwid sa kaniya at ang ukol sa mga gawain ng Obras del Puerto.
Si Ben-Zayb, ang mánunulat na mukhang prayle, ay nakikipagtalo sa isang paring batà na mukha namang artillero. Kapwa nagsisigawang ang anyo ng mukha ay iniaayos sa sinasabi, itinátaás ang mga bisig, inilalahad ang mga kamay, nagsisitadyák, nag-uusap ng ukol sa patitis, mğa palaisdàan, ilog San Mateo, mga indio at ibp.. sa gitna ng kasiyahang loob ng mga nakikinig at sa gitnâ rin naman ng boông pagkainíp ng isang matandang paring pransiskano, na lubhang nápakapayát at nangangalirang, at ng isang dominiko na maganda ang tindíg na nagbábakás.... nagbábakás sa kaniyáng mga labi ng isáng ngiting pakutya.
Ang payát na pransiskano, na nakápuná sa ngiti ng dominiko, ay nagnasàng makilahok sa usapan. upang maputol. Iginagalang siya marahil, kaya't sa isáng kilos lamang ng kamay ay napigil ang pag-uusap ng dalawá, nang ang paring-artillero ay tumukoy ng ukol sa kinátutuhan at ang mánunulat na prayle ay ng ukol namán sa karunungan.