katin sa gayóng anyo ang daóng ng Pamahalaan ay masasabing nawawala ang pagkapagóng at nagiging alimango sa
tuwing málalapít ang isang panganib.
—Nguni't kapitán, ¿bakit tumutungo sa dakong iyan ang inyong mga mangmang na timonel?-ang tanong na pagalít ng babai.
-Sapagka't doon ay napakababaw, ali-ang sagót na malumanay ng Kapitán at ikinindát ang matá.
Naugali na ang ganitó ng Kapitán upang sabihin wari sa kaniyang mga salità, na dahandahang lumabás: marahan, marahang marahan!
-Kalahating tulin ng makina, bá, kalahating tulin!-ang paalipustang tutol ni aling Victorina-¿bakit hindi boông tulin?
-Sapagka't maglalayág tayo sa mga palayang iyan, ali, -ang walang katinagtinag na sagot ng Kapitán na sabay ang paglabì upang iturò ang bukid; makálawang kumindát.
Ang aling Victorinang ito ay kilalá dahil sa kaniyang mga kasagwâan at mga himaling. Dumádalóng palagi sa mga lipunan at siya'y tinitiis doon kailan ma't kasama ang kaniyang pamangkín, si Paulita Gomez, maganda at mayamang binibini, ulila sa amá't iná, na kinúkupkóp ni aling Victorina. Nang tumanda na ang aling Victorinang ito ay nag-asawa sa isang kulang-palad na ang pangalan ay D. Tiburcio de Espadaña, at sa mga sandaling itó na nakikita natin siya ay may labíng limang taon nang kasál, ang buhok ay postiso at ang kalahati ng kagayakan ay ayos taga Europa. Sa dahilang ang kaniyang boông hangád sapol ng magkaasawa ay ang mag-anyông europea, sa tulong ng ilang mahalay na kaparaanan, ay nahulog díng. unti-unti ang kaniyang ayos sa isang anyông, sa kasalukuyan, kahit na magtulong si Quatrefages at si Virchow ay hindi máwawatasan kung sa aling lahing mga kilala siya maihahalò. Makaraan ang ilang taong pagkákasál, ang kaniyang asawang nagtiís, na wari'y fakir na umalinsunod sa lahát ng kaniyang maibigan, ay dinalaw ng isang masamang sandali, isang araw, at hinambalos siya ng tinútungkód sa pagkapilay. Dahil sa pagkakabigla ni aling Joba, sa gayóng pagbabagong ugali, ay hindi naalumana ang magiging kasunód ng pangyayari, at ng makaraan ang pagkakagitlá at