apor Tabò ay tamád, masuwayin at masumpunğin; si aling
Victorina, na gaya ng karaniwan ay napakamasindakin, ay
nagtutungayaw sa mga kaskó, banká, balsá ng niyog, mğa
indio na namamangkâ at sampung mga naglalabá at nagsisipaligò na kinayayamután niya dahil sa pagkakatuwa at
kaingayan Siya nga namán, kung walang mga indio sa ilog
at sa bayan ay bubuti ang lakad ng Tabò, oo! kung walang isá mang indio, sa mundó: hindi niya nápupunang ang
mga tumitimón ay pawang indio, indio ang mga marinero, indio
ang mga makinista, indio ang siyam na pu't siyam sa bawà't isáng daang sakay at siyá man ay india rin kung kakayurin ang kaniyang pulbós at huhubarán siya ng ipinagma-
malaking bata. Nang umagang iyon ay lalo pang
muhi si aling Victorina dahil sa hindi siya pinapansin ng
mga kalipon, at dapat ngà namang magkagayón, sapagka't tignan nga naman ninyó: magkalipon doon ang
tatlong prayleng nananalig na ang boông mundo'y lalakad
ng pati warík sa araw na sila'y lumakad ng matuwíd: isáng
walang pagál na D. Custodio na payapang natutulog.
na siyangsiya ang loob sa kaniyang mğa munakalà; isáng
walang pagod na mánunulat na gaya ni Ben-Zayb (katimbang
ng Ibañez) na nag-aakalang kung kaya't may nag-fisip sa
Maynila ay sa dahilang siya'y nag-iisip; isáng canónigo na gaya
ni P. Irene na nagbibigay dangal sa mga pari dahil sa
mabuti ang pagkakaahit ng kaniyang mukhang kinatatayuan
ng isang ilóng hudío at dahil sa kaniyang sotanang sutlâ
na mainam ang tabas at maraming botones; at isang mayamang mag-alahás na gaya ni Simoun na siya mandíng tanungan at nag-uudyok sa mga galáw ng Capitán General;
akalain nga ba namang magkátatagpo ang mga haliging itó
na sine quibus non ng bayan, magkápipisan doon at maligayang nag-uusap, na hindi nabibighaning malugód sa isang
tumakwil sa pagkapilipina, na nagpapulá ng buhók, ibagay
ng sukat makabugnot sa isáng Joba!, pangalang ikinakapit
sa sarili ni aling Victorina kailan ma't may katungo.
At ang pagkayamót ng babai'y nararagdagan sa bawa't pagsigaw ng Kapitán ng: baborp! estriborp!, bubunutin ng mga marino ang kanilang mahahahàng tikin at isasaksák sa isa't isáng gilid at pinipigil sa tulong ng kanilang mga hità't balikat na másadsád sa dakong iyon ang bapor. Kung susu-