mundó; minsa'y tumátak bóng tungo sa mga kakawayanán ó
kaya'y sa mga karihan, na napapalamutihan ng gumamela
at iba pang bulaklák, na waring mga magsisipaligòng nakalubog na sa tubig ang mga paa'y ayaw pang maglublób...
minsa'y sa pagsunod sa daáng itinuturò ng ilang kawayang
nakatirik sa ilog ay lumalakad ng boông kasiyahang loób
ang bapor; nguni't ang isang biglang pagkakabagók ay
kaunti nang ikinabuwal ng mga sakáy; nápadumog sa isáng
burak na mababaw na hindi hinihinalà nino man......
At kung ang pagkakawangki sa daóng ng Pamahalaan ay hindi pa lubós, ay tingnan ang pagkakalagay ng mga lulan. Sa ilalim ng cubierta ay nangagdungaw ang mga mukhâng kayumanggi at maiitim ng mga taga rito, mga insík at mestiso na nagkakasiksikang kasama ng mga lulang kalakal at mga kabán, samantalang sa itaás, sa ibabaw ng cubierta at sa lilim ng isang panambil na nagtatanggol sa kanilá sa init ng araw, ay nangakaupo sa maginhawang luklukan ang ilang sakay na suot taga Europa, mga prayle at mga kawaní, na humihitit ng malalaking tabako, samantalang tinátanáw ang mga dinadaanan, na hindi man nápupuna ang mga pagsu- sumakit ng kapitán na maiwasan ang mga balakid sa ilog.
Ang kapitán ay isáng ginoo na may magiliw na anyô, lubha ng matanda, dating maglalayag na noong kabataàn niya ay namahalà sa lalong matuling daóng at sa lalong malawak na karagatan at ngayóng tumandâ'y ginagamit ang lalong malaking pag-iisip, pagiingat at pagbabantay upang maiwasan ang maliliit na kapanganiban.... At yaon din ang balakid sa araw araw, ang dati ring mabababaw na burak, ang dati ring laki ng bapor na násasadsád sa mga liko ring yaon, na wari'y isang matabang babai sa gitna ng siksikan ng tao, kaya't ang mabait na kapitán ay humihintô sa bawa't sandali, umuurong, pinagkakalahati lamang ang tulin, pinagpapalipatlipat sa kaliwa't sa kanan ang limáng marinerong may hawak na tikin upang ipanibulos ang likông itinuturò ng timón. Waring isang matandang kawal, na matapos mamuno sa mga tao sa isang maligalig na himagsikan, ay naging taga pag-alagà, ng tumanda, ng batang masumpuğin, matigás ang ulo at tamád.
At si aling Victorina na siyáng tanging babaing nakiupô sa lipon ng mga europeo ay siyang makapagsasabi kung ang