Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/264

From Wikisource
This page has been validated.



— 258 —


yang bahay, ay inanyayahan ang auxilio at ang kabo na lumulan sa sasakyang nagaantay sa kanila sa pinto.

―¡Sa Gobierno Civil!―ang sabi sa kotsero.

Isinalaysay ni Basilio, na nakapagbalik loob na, kay Makaraig ang sanhi ng kaniyang pagdalaw. Hindi siya binayaang matapos ng mayamang nag-aaral at siya'y kinamayan.

―Maaasahan ninyo ako kaibigan, maaasahan ninyo ako at sa pista ng ating investidura ay aanyayahan natin ang mga ginoong ito,―ang sabing itinuro ang kabo at ang alguasil.


XXVII
ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO

Vox populi, voz Dei.

Iniwan natin si Isagani na nagsasalita sa kaniyang mga kaibigan. Sa gitna ng kaniyang kasigabuhan, ay nilapitan ng isang kapista upang sabihin sa kaniyang ibig siyang makausap ni P. Fernandez, isa sa mga katedratiko sa ampliacion.

Si Isagani'y namutla. Sa ganang kaniya'y isang taong kagalanggalang si P. Fernandez: yaon ang isa na kaniyang itinatagi kailan pa ma't ang napag-uusapan ay ang pagalimura sa prayle.

―At ¿Ano ang ibig ni P. Fernandez?―ang tanong.

Kinibit ng kapista ang balikat; sinundan ni Isagani na masama ang loob.

Si P. Fernandez, yaong prayleng nakita natin sa Los Baños, ay nag-aantay sa kaniyang silid, malungkot at walang imik, na nakukunot ang noo na waring nag-iisip. Tumindig nang makitang pumasok si Isagani, binati itong kinamayan, at inilapat ang pintuan; pagkatapos ay nagpayao't dito sa magkabilang dulo ng silid. Nakatayo si Isaganing inaantay na siya'y kausapin.

―Ginoong Isagani,―ang sabing ang tingig ay nanginginig, ng malaunan:―mula sa durungawan ay nadingig ko kayong nagsasalita, sa dahilang ako'y natutuyo, ay matalas ang aking pangdingig, kaya't ninasa kong kayo'y