Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/263

From Wikisource
This page has been proofread.


— 237—


ang ating mga budhi ay sadya nang tumututol sa anománg sumbông....

Nang madingig ni Basilio ang gayong pagsasalita, kahi't na mahal sa kaniyá si Isagani, ay pumihit at umalís. Pa- paroon siyá sa bahay ni Makaraig upang sabihin ang tung. kól sa pagsandali.

Sa kalapít ng bahay ng mayamang nag-aaral ay naká- puná ng mga bulóng bulungan at mahiwagang hudyatan ng mga kapitbahay. Sa dahilang hindi talós ng binata ang sanhi ng pinag-uusapan ay palagay na ipinatuloy ang ka- niyang lakad at pumasok sa pintuan. Dalawang bantay na Veterana ang sumalubong sa kaniya't siya'y tinanong kung . ano ang ibig. Nahalatâ ni Basilio na siya'y nagbiglâbiglâ nguni't hindi na makaurong.

-Hinahanap ko ang aking kaibigang si Makaraig-ang patuloy na sagót.

Ang mga bantay ay nagtinginan.

-Mag-antáy kayó rito ang sabi sa kaniya ng isá,- antabayanan ninyó ang kabo.

Si Basilio ay napakagát labi, at ang mga pangungusap ni Simoun ay muling umugong sa kaniyáng tainga.... Hinu- huli kaya si Makaraig?-ang inisip niyá, nguni't hindi na- kapangahás na magtanóng.

Hindi nag-antay nang malaon; ng sandaling yaon ay pu- mápanaog si Makaraig na masayang nakikipag-usap sa kabo, na kapuwa pinangungunahan ng isang alguacil.

-¿Bakit?

¿Patí ba kayó, Basilio? ang tanong.

-Titingnan ko kayo....

-¡Marangal na asal!--ang sabing tumatawa ni Makaraig, noong mga araw na payapà, ay lumalayo kayó sa amin.... Itinanong ng kabo kay Basilio ang kaniyang pangalan at tiningnan ang isáng talaan.

-¿Nag-aaral sa panggagamot, daang Anloague?-ang tanong ng kabo. Kinagát ni Basilio ang kaniyang labi.

--¿Bakit, patí ba ako?

Si Makaraíg ay humalakhák.

-Huwag kayong manganib, kaibigan; magkakaruahe tayo, at sa gayon ay isúsalaysay ko sa inyó ang hapunan kagabí.

At sa isang mainam na kilos, na waring nasa kani-