Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/262

From Wikisource
This page has been proofread.


— 256—

-Oo, oo; nguni't ¿anó ang nangyari?

--Tingnan mo; isaksi ka! Hindi ako nakikilahok kailan man sa kapisanan kundi upang pagpaliwanagan ko kayó.... bakâ mo ipagkaila pagkatapos!?. Huwag mong lilimutin ¿ha?

-Hindi, hindi ko itatakwil, nguni't ¿anó na ang nangyari, anák ka ng Dios!?

Si Juanito ay malayò na: nákitang lumálapit ang isang guardia at natakot na bakâ siyá hulihin.

Nang magkagayon ay tumungo si Basilio sa Unibersidad upang tingnán kung baka sakaling bukás ang Kalihiman at upang makatanggap ng balità. Nakalapat ang pintuan ng kalihiman at sa bahay na iyon iyon ay may ay may di karani- wang kilusán. Akyát manaog sa mga hagdanan ang mga. prayle, militar, pulistas, matatandang abogado at médiko, upang ihandog marahil ang kanilang tulong sa may kapanganiban.

Nátanaw sa malayo ang kaibigan niyang Isagani, na, namumutla at bago ang anyô, taglay ang boong gilas kabataan, na nag-uulat sa ilang kasama sa pag-aaral at inilalakás ang pagsasalita na waring walang kabuluhan sa kaniyá ang mádingíg man ng lahat.

-¡Kahalayhalay, mga ginoo, kahalaybalay na ang isang pangyayaring gangganiyan lamang ay makapagpatakbo sa atin at mapailas tayong wari'y mga langaylangayan dahil lamang sa ang panakot upo ay gumalaw! ¿Ngayon lamang ba mangyayaring ang mga binatà'y mabibilanggo ng dahil sa pagtatanggol ng kalayaan? ¿Násaan ang mga patáy, násaan ang mga nábaril? Bakit tataliwakás ngayon?

-Nguni't sino kaya ang hangál na sumulat ng mga gayóng paskin?-ang tanong na pagalít ng isá.

-¿Ano ang mayroon sa atin? ang sagot ni Isagani- hindi natin katungkulan ang magsiyasat, siyasatin nilá! Bago matanto ang ayos ng pagkakasulat ay hindi natin kailangan ang magpakita ng pagkampí sa mga ganitong sandali. Doon sa may panganib, doon tayo dapat pumaroon, sapagka't doon nároon ang karangalan! Kung ang sinasabi ng mga paskín ay kasang-ayon ng ating karangalan at mga damdamin, sino mán ang sumulat, ay mabuti ang ginawâ, nárarapat nating pasalamatan at agarín nating isama sa kaniya ang ating lagda. Kung hindi kapit sa atin, ang ating inuugali at