Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/261

From Wikisource
This page has been proofread.


— 255 —

Dumaan sa daang Legazpi, tumuloy sa daang Beaterio, at nang dumating sa liko ng daáng itó at ng Solana ay námatyagán ngâ niya na tila may isang malaking bagay na nangyari.

Sa mga dating pulúpulutong na masasayá at maiingay ay daládalawang Guardia Veterana ang kaniyang nakita sa mga banketa na nangag-aabóy sa mga nag-aaral na lumalabás sa Unibersidad, na ang ilán ay walang kakibôkibô, malalamlám ang mukha, ang iba'y galít na nangagsisitayo sa dakong malayôlayô ó nangagsisiuwi sa kanſkanilang mga bahay. Ang kannaunahan niyang nasagupà ay si Sandoval. Hindi pinuná ang katatawag ni Basilio; waring naging bingi.

-Gawa ng takot sa katás ng bituka!-ang sinapantahà ni Basilio.

Pagkatapos ay si Tadeo naman ang natagpuán, na ma- sayang masaya. Tila mangyayari din ang walang katapusáng cuacha.

Anó ang nangyayari, Tadeo?

-i Wala tayong pasok ng hindi bababà sa isang linggó, bigan! mainam! ¡mabuti!

At pinagkikiskis ang mga kamay sa katuwàan. --Datapuwa'y ¿anó ang nangyari?

--¡Ibibilanggo tayong mga kaanib sa kapisanan! --¿At masaya ka?

Walang pasukán, walang pasukán!-at lumayông hindi magkasiyá sa galák.

Nákitang dumáratíng si Juanito Pelaez na namumutlâ at nanganganib; ang kaniyang kakubaan noon ay umabot sa lalong katambukán, nagtutumulin siyá sa pag-ilas. Siya'y naging isá sa mga lalong masigasig na nag-uusig na mátayô ang kapisanan samantalang mabuti ang lakad.

-¿E, Pelaez, anó ang nangyari?

--¡ Walâ, wala akóng nálalaman! Ako'y walang pakialám ang nangingilabot na sagot sinasabi ko na sa kanilá; iyan ay kaululán.... ¿Hindi ha gayón ang sabi ko?

Hindi alam ni Basilio kung sinabi niyá ó hindi, nguni't sa pagbibigay loob sa kaniya ay sumagót: -100! nguni't ¿anó ang nangyayari?

--¿Tunay ngâ, auó? Tingnán mo. ikaw ay saksí; kailan man ay hadláng akó.... ¡ikaw ang saksí, tingnan mo, huwag mong limutin!