—Saán?
-C....! sa Unibersidad.
-¿Walâ na kundi iyón?
-P... hindi pa ba sukat sa inyó ang gayón?-ang ta- nóng na halos galit ng tagapagturò; hinihinalang gawa ng mga nagsasaping nag-aaral ang mga paskín, nguni't Ihuwág kayóng umimík!
Dumarating ang guro sa Patología, isáng ginoóng mala- mang pang anyông sakristan kay sa anyông manggagamot. Náhalál sa tulong ng lakás ng Vice-Rector, na hindi na hi- nilingán ng anománg karapatán liban sa lubós na pag-alin- sunod sa corporación, at inaaring isang tiktík at mangsusum- bóng ng ibang guro sa Facultad.
Ginantí siyá ng bating pasumalá ng unang guro na kinindatán si Basilio at malakás na sinabing:
-Batid ko nang nag-aamóy bangkáy si kapitáng Tiago; dinalaw na ng mga uwak at buitre.
At pumasok sa salas ng mga propesor.
Tiwátiwasay na, si Basilio ay nangahás na magsiya. sat ng iba pang bagay. Ang tanging nabatid niya ay ang pagkakatagpo ng mga paskín sa mga pintô ng Universidad, mğa pasking ipinabakbák ng Vice Rector upang ipadalá sa Gobierno Civil. Sinasabing puno ng pagbabalà, pagputol ng mga liig, pagsalakay at iba pang mga pagmamatapang. Sa bagay na ito'y nangagkukuròkurò at nagpapalapalagay ang mga nag-aaral. Ang mga unang balità ay tinanggap nilá sa bantay pintuan, na tumanggap ng balità sa isáng alilà sa Sto. Tomás, at ito'y sa isáng capista namán nakábalità. Sinasapantahà na nilang magkakaroon ng mga suspenso, mga pagkapiít, at ibp., at itinuturò na ang mga mápaparusahan, na dili ibá't ang mga nasa Kapisanan. Noon naalala ni Basilio ang mga pangungusap ni Simoun: Sa araw na magagawang kayo'y pawiin.... Hindi ninyó matatapos ang inyong pag-aaral....
-Mayroon kaya siyang nalalamang bagay?-ang tanong sa sarili tingnan natin kung sino ang lalong makapangyayari,
At nang makapagbalík loob na, upang mabatid ang nararapat niyang gawin at maalám din naman ang ukol sa kaniyang licenciatura ay tinungo ni Basilio ang Universidad.