--Mga nag-aaral, maraming mga nag-aaral! Inakala ni Basilio na hindi nararapat na magtanóng pa sa pag-aalalang bakâ siyá máhalatâ, at lumayo sa pu- lutóng, na ang dinahilán ay ang pagdalaw sa kaniyang mğa may sakit. Isáng guro sa clínica ang sumalubong sa kaniya, at matapos na mapigilan siyá sa balikat na lubhang mahi- wagà (ang guro ay kaibigan niyá), ay marahan siyáng ti- nanóng:
--¿Naparoón ba kayo sa hapunan kagabi? Sa kalagayang litó ni Basilio ng mga sandaling iyon, ay nagkáriringgáng kamakalawá sa gabi ang sinabi sa kaniya, Nang kinamakalawahán sa gabí nangyari ang pakikipag-usap kay Simoun. Nagtangkang magpaliwanag.
--Sasabihin ko sa inyó-ang bulóng halos-sa dahiláng masama ang lagay ni kapitang Tiago at saká kailangan kong matapos ang Mata.....
-Mabuti nga ang nagawa ninyong hindi naparoón,- ang sabi ng guro,-¿Nguni't kasama ba kayo sa kapisanan ng mga nag-aaral?
-Ibinibigay ko ang aking ambág....
-Kung gayon ay isang payo: umuwi kayó ngayón dia at pawiin ninyo ang lahát ng papel na makasásamâ sa inyó. Kinibít ni Basilio ang kaniyang balikat. Wala siyang anománg papel, mayroon siyáng mga tala na ukol sa klínika at wala nang ibá.
-¿Si ginoong Simoun pô kaya'y....?
--Walang pakialám si Simoun sa pangyayari, sa- lamat sa Dios!-ang dagdag ng manggagamot-sinuga- tan ng isang taong hindi kilalá, at ngayo'y náhihiga. Hin- dî, dito'y ibáng kamay ang kumikilos, nguni't kakilákilabot din.
Si Basilio ay humingá. Si Simoun ang tanging makapag huhulog sa kaniyá. Gayón man ay naálaala si kabisang Tales.
-¿May mga tulisán?....
-Walâ, tao kayó, wala kundi mğa nag-aaral lamang. Nátiwasay na si Basilio.
-¿Anó, kung gayón, ang nangyari?-ang naipangahás na itanóng. -Nakatagpo ng mga paskín na masasama ang sinasabi; ¿hindi baga ninyo batíd?