Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/258

From Wikisource
This page has been proofread.
—252—


ang isang binatà na palingónlingón at lumulan, na kasama
ang isang hindi kilalá, sa isang sasakyang nag-aantáy sa
tabi ng bangketa. Ang sasakyan ay kay Simoun.

—¡Ah! —ang bulalás ni Makaraig: —ang alipin ng Vice-
Rector ay pinaglilinkurán ng Panginoon ng General.

XXVI
MGA PASKÍN

Maagang bumangon si Basilio upang tumungo sa Hos-
pital. Mayroon na siyang takdang gagawin, dalawin ang ka-
niyáng mga may sakit, paroon pagkatapos sa Unibersidad
upang mabatid ang ilang bagay na ukol sa kaniyang licen-
ciatura, at sa kahulihulihan ay makipagkita kay Makaraig
dahil sa gugol na mangyayari sa kaniyang pagkuha ng grado.
Ang malaking bahagi ng kaniyang naimpók ay iniukol niya
sa itutubós kay Huli at upang madulutan itó ng isáng dampá
na mapamamahayang kasama ng nunò, at hindi siya ma-
kapangahás na lumapit kay kapitáng Tiago, sa pangingilag
na baka masapantahàng ang gayon ay isang pauna sa ma-
manahing sinása bísabí sa kaniya.

Libáng sa mga gayong iniisip ay hindi nápuna ang mga
pulúpulutong na mga nag-aaral na maagang nanggagaling
sa loob ng Maynilà na waring isinará ang mga páaralán;
lalò pa mandíng hindi nápuna ang anyông natutubigan ng
ilán, ang paanás na usapan, ang lihim niláng hudyatan.
Kaya't nang dumating sa San Juan de Dios at tinanong siya
ng kaniyang mga kaibigan ng ukol sa isang panghihimagsik,
si Basilio ay nápalundág at naalaala ang binabalak ni Simoun,
na hindi natuloy dahil sa mahiwagàng sakunâ na nangyari
sa manghihiyas. Lipós katakután at nanginginig ang boses
ay tumanóng na nagpakunwaring walang kamuwangmuwáng:

—¡Ah! ang panghihimagsik?

—¡Napag-alamán! ang sabi ng isá, —at tila marami ang
náha halò.

Pinilit ni Basilio ang makapagpigil.

—¿Marami ang náhalò? —ang ulit na tinangkâng maka-
batid ng kahi't munting bagay sa mga matá ng ibá; —at
sino sino....?