- —251—
mga sermón na nakapagpápaihít ng tawa, kung wala ang
mainam na pagkakaibayó na malalaking hangarin sa mga
bungông walang kabuluhán, kung wala ang tunay na pag-
tatanghál, sa araw-araw, og mga kuwento ni Boccacio at
ni Lafontaine! Kung wala ang mga korrea at kalmen anó
ang ibig ninyong gawin sa háharapin ng ating mga babai
kundi impukin ang salaping iyán at sila'y maging marainot
at makamkám? Kung wala ang mga misa, mga nobena at
mga prusisyón ¿saan kayó makatatagpô ng mga panggingi-
hang kanilang mapaglilibanğán? walâ siláng tutungkulin kundi
ang mga gawain sa bahay at ang pagbabasa nilá ng mga
kuwentong kababalaghán ay kailangan nating palitan ng mga
aklat na nawala pa rito! Alisin ninyo ang prayle, at mawa-
wala ang kabayanihan, tataglayin na ng bayan ang mga ma-
buting pamamayan; alisín ninyo ang prayle at mawawala
ang indio; ang prayle ay siyáng Amá, ang indio ang Verbo:
yaon ang artista at itó ang estatua, sapagka't lahát ng ka-
bagayáng taglay natin, ang ating iniisip at ginagawa, ay
utang natin sa prayle, sa kaniyang katiyagaan, sa kaniyang
kasipagan, sa kaniyang pagtatamáng tatlong daang taon.
upang mabago ang ayos na ibinigay sa atin ng Kalikasan!
At kung walang prayle at walang indio ang Pilipinas, ¿anó
ang mangyayari sa kaawàawang pamahalaan na mapapa-
haráp sa mga insík?"
—¡Kakain ng panyáng na alimango! —ang sagot ni Isa-
gani na nabábagót sa talumpati ni Pecson.
—At iyan ang dapat nating gawin, Siya na ang ta.
lumpati!
Sa dahilang hindi dumáratíng ang insík na may dalá
ng ulam, ay tumindíg ang isá sa mga nag-aaral at tumu-
ngo sa pinaka look, sa may durungawang harap sa ilog;
dátapwa'y madaling bumalik na humuhudyat ng palihim.
—Sinusubukan tayo; nákita ko ang mínámahal ni P.
Sibyla!
—¿Siya nga ba? ang bulalás ni Isagani na sabay ang
tindíg.
—Huwag nang magpagod: nang makita ako ay umalís.
Lumapit sa durungawan at tumanaw sa liwasan. Pagka-
tapos ay hinudyatán ang kaniyáng mga kasama upang ma-
ngagsilapit. Nákita nilang lumabás sa pintuan ng magpapansít