- —250—
prayle upang kayo'y samahan ng kaniyang mga dasál at luhà,
at makapapanatag kayóng hindi kayó iiwan hanggang hindi
makitang kayo'y sadyang patay na patay na at bitáy na
bitáy. Datapwa'y hindi langgáng diyán lamang ang kani-
yang kaawaan; kung patay na kayó, ay pagpipilitang ka-
yo'y máilibing ng boóng dingal, makikipaglaban upang ang
inyong bangkay ay dumaan sa simbahan, tanggapin ang ka-
niláng mga panalağin, at magpapahingá lamang kapag nái.
bigay na kayó, sa mga kamay ng Lumikha, na malinis na
malinis dito sa lupà, alang-alang sa mga parusang tinang-
gáp, mga pahirap at mga pagpapakumbaba. Sa pagkakilala
sa mga turò ni Cristo na hindi binubuksán sa mayayaman
ang pinto ng langit, silá, mga bagong mánanakop, mga tu-
nay na kahalili ng Tagapagligtás, ay lumálalang ng sarisa-
ring paraan upang alisán kayó ng sala, kuapi sa karani-
wang tawag, at dinádalá sa malayo, lubhang malayò, doón
sa tinitirahan ng mga kalaitlait na mga insík at mga pro-
testante, at iniiwang malinis, mabuti, malunas, ang hinihi-
ngahán natin dito, sa paraán, na kahi't ibigin man natin
pagkatapos, ay wala tayong matatagpuang halagang sikapat
na magiging sanhi ng ating ipagkakasala!
Oo, nga, sila'y kailangan ng ating kaligayahan; kung
sa lahat ng dakong dalhin natin ang ating ilóng ay máta-
tagpuan natin ang manipis na kamáy, na gutóm sa halík,
na sa araw-araw ay lalo pang nagpapatalapyâ sa sungál-
ngál na dagdag na taglay natin sa mukhá bakit hindi
gilá suyuin at patabâín at bakit hihingin ang kagagawang
hindi nararapat na sila'y palayasin? Nilayin sandali ang
malaking kakulangang mangyayari sa ating kalipunan kung
sila'y mawala! Mga walang pagál na manggagawà ay pina-
bubuti at pinakakapál nila ang mga lipì; sa pagkakáwaták-
waták natin dahil sa mga inggitan at samaan ng loob,
ay pinagsasama tayo ng mga prayle sa fisáng kapalaran, sa
isáng mahigpit na tungkós, nápakahigpit na hindi na tuloy
máigaláw ng marami ang kanilang siko! Alisín ninyo ang
prayle, mga ginoo, at mákikita ninyong mayayaníg ang ka-
pamayanang pilipino, dahil sa kakulangan ng malalakás na
balikat at mabalahibong hità; ang pamumuhay pilipino ay
makakainip kung wala ang nakapagpapasayáng prayle na
mapagbirô at malikót, kung wala ang mumunting aklat, at