- —249—
hayagang El Grito de la Integridad, pangalawáng salaysay,
kaululáng ika isáng daan, limang pu't pitó."
"¡Mga ginigiliw kong kapatid kay Jesucristo!
"¡Ibinúbugá ng kasamâán ang kaniyang maruming hi-
ningá sa mga kulay dahong baybayin ng Frailandia, Ka-
pulùang Pilipinas sa karaniwang tawag! Hindi sumisilang ang
isang araw na hindi umuugong ang isang pagbaka, na hindi
nádingíg ang isang masamang parunggit sa mga reve-
randas, venerandas at predicandas corporaciones, na walang
sukat magtanggol at walang sukat kumatig. Ipahintulot.
ninyó sa akin, mga kapatid, na mga kapatid, na sa isang sandali'y ma-
ging caballero andante akó upang magtanggol ng walang
sukat magsanggaláng, ng mga banál na korporasión na nag-
turò sa atin, at patibayan pang muli ang karugtong ng ibig
turan noong sáwikáín na, bitukang bundát ay nagpupuri sa
Dios, na dili iba't, ang bitukang dayukdók ay magpupuri sa
mga prayle."
—¡Mainam, mainam!
—Hoy, —ang sabing walang katawatawa ni Isagani-ipi-
nabábatid ko sa iyo na kapág ang mga prayle ang natu-
tukoy ay iginagalang ko ang isá.
Si Sandoval, na nasásayahán na, ay umawit:
- ¡Un fraile, dos frailes, tres frailes en el coooro
- Hacen el mismo efecto que un solo toooro!
—Makingig kayó, mga kapatid; ibaling ang inyong pa-
ningin sa magandáng kapanahunan ng inyong kabataan;
tingnan ninyong siyasatin ang kasalukuyan at itanong ninyó
sa sarili ang kinabukasan. ¿May ano kayó? ¡Prayle,
prayle at prayle! Isáng prayle ang sa inyo'y nagbibinyág,
nagkukumpil, dumadalaw ng lubhang masuyò sa paaralán;
isáng prayle ang dumídingig ng mga una ninyong lihim,
siya ang una unang nagpapakain sa inyó ng isang Dios,
ang una at bulíng guro ninyó, prayle ang nagbubukás ng
pusò ng inyong mga magiging asawa, na inilalaan sa inyóng
mga suyò; isáng prayle ang nagkákasál sa inyó, ang nag-
uutos na kayo'y maglakbay sa iba't ibang pulô, na bini-
bigyan kayong daan upang makapagbago ng singaw at liba-
ngan siya ang naglilingkod sa inyó kung kayo'y naghihingalô
at kahi't umakyát kayó sa bibitayán, ay naroroon din ang