Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/254

From Wikisource
This page has been proofread.
—248—


mga kagagawán at mga panukala na karapatdapat na mag-
karoon ng kaunti pang alaala, ¿anó ang masasabi sa inyó
ng isáng gaya ko na may malaking gutom sa dahiláng hindi
nananghali?

—¡Nárito ang isang liig, bigaaán!-ang sabi ng kani-
yang kalapit na iniaabót sa kaniya ang liig ng isang inahing
manók.

—"May isang ulam, mğa ginoo, na kayamanan ng isang
bayan na ngayo'y sadlakan ng lait at kutya ng mundó, na
pinagsaukán ng kanilang mga dayukdók na sandók ng ma-
tatakaw na poók, na nasa kalunuran ng sangsinukob...."—
itinurò sa pamag-itan ng kaniyang sipit si Sandoval na naki-
kipaglaban sa isang makunat na pakpák ng inahin.

—At imğa taga kasilanğanan!-ang sagót ng tinukoy, na
iginuhit ng pabilóg ang kaniyang panandók upang maiturò
ang lahát ng kumakain.

—¡Hindi pinapayagan ang mga patláng!

—¡Humihingi ako ng salita!

—¡Humihingi ako ng patis! ang dugtong ni Isagani.

—¡Dalhin dito ang lumpiya!

Hiningi ng lahat ang lumpiya at si Tadeo ay umupông
masaya dahil sa pagkakaalpás sa kagipitan.

Ang ulam na ipinatungkol kay P. Irene ay hindi luma-
bás na mabuti at ang gayón ay ipinahayag ni Sandoval
sa isang paraang lubhang napakasakit,

—¡Nangingintáb ang labás dahil sa mantikà at baboy ang
loob! ¡Dalhin dito ang pangatlong pingán ng ulam, ang
panyáng na prayle!

Ang panyang ay hindi pa lutò; nádidingíg ang sagitsít
ng mantikà sa kawali. Sinamantalá ang patláng upang tu-
mungga at hiningi nilang magsalita si Pecson.

Walang kapingaspingas si Pecson ay nag-angtanda, tu-
mindíg na pinipilit pigilin ang kaniyáng tawang hangál, gi-
nayahan ang isang predicador na agustino, na noo'y nába-
bantóg, at nagsimulâ sa pagbulóng na wari'y sinasabi ang
lamán ng sermon.

"Si tripa plena laudat Deum, tripa famelica laudabit fra-
tres; kung ang bitukang bundát ay nagpupuri sa Dios, ang
bitukang dayukdók ay magpupuri sa mga prayle. Mğa sa-
litang sinabi ni ginoong Custodio, sa bibig ni Ben-Zayb, pama-