Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/253

From Wikisource
This page has been proofread.
—247—

—¡Tutol akó —ang bulalás ni Isagani....

—¡Igalang ang mga batà, igalang ang mga nasawi! —ang
sigaw na pinaugong ang tingig ni Pecson, na itinaas ang
isáng butó ng inabing manók.

—¡Ipatungkól natin ang pansít sa insík na si Quiroga,
na isá sa apat na kapangyarihan ng sangbayanang pilipino!-
ang palagay ni Isagani.

—¡Huwág, sa Eminencia Negra!

—¡Huwag kayong maingay! —ang pabiglang sabing mahi-
wagà ng isá,-sa liwasan ay may mga pulutóng na nagma-
malas sa atin at ang mga dingding ay may pangdingíg.

Tunay nga, pulúpulutong ng mga nanonoód ay nangagtayô
sa tapat ng mga durungawan, samantalang ang ingayan at
tawanan sa mga tindahang kalapít ay lubos na napawi, na
wari bagáng minatyagán ang nangyayari sa pigíng. Ang
katahimikan ay may ayos na katangitangi.

—¡Tadeo, ibigkás mo ang iyong talumpati!-ang mara-
hang sabi ni Makaraig. Sa dahilang si Sandoval ang siyang lalong bihasa sa pag-
kamánanalumpati ay pinagkásundúáng siya ang sa huli'y
hahalaw sa lahat ng salaysay.

Si Tadeo, dahil sa ugaling tamad na taglay niyang parati,
ay hindi naghanda at namimilipit. Samantalang sinisipsip
ang isang mahabang sotanghon, ay iniisip ang paraang ika-
liligtas niya sa kalagayang iyón, hanggán sa naalaala ang
isáng talumpating napag-aralan sa klase at humandâ nang
gayahan yaón at lahukán ng ibang bagay.

—¡Mğa ginigiliw na kapatid sa panukalà!-ang simula
niyang ikinumpay ang sipit na kagamitan ng mga insík sa
pagkain.

—¡Hayup! ¡bitiwan mo ang sipit, ginuló mo ang buhók
ko! ang sabi ng isá niyáng katabí.
-Sa tawag ng inyong paghahalál na pagpunan ang ka-
kulangang iniwan sa......

—¡Mánggagaya!-ang putol ni Sandoval,-ang talumpating
iyan ay sa Pangulo ng ating Liceo!

—"Sa tawag ng inyong paghahalál-ang patuloy ni Tadeo
na walang katiga-tigatig-na pag punán ang kakulangang iniwan
sa aking.... pag-iisip (at itinurò ang kaniyáng tiyan) ng isang
dakilang lalaki dahil sa kaniyang banal na aral at kaniyang