Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/252

From Wikisource
This page has been validated.


—246—

—¡Ababá! Si P. Irene ay hindi kakain ng baboy hanggáng hindi nag-aalis ng ilóng-ang marahang sabi ng isang binatang taga Iloilo sa kaniyang kalapít.

—Mag-aalis ng ilong!

—¡Mawala ang ilóng ni P. Irene!-ang panabáy na sigawan ng lahát.

—Galang, mga ginoo, kaunting galang!-ang bingi ni Pecson na pabirông wari'y tinótotoó.

—Ang pangatlong pinggán ng ulam ay panyang na alimango......

—Na ipinatutungkol sa mga prayle —ang dugtóng ng taga Bisayà.

—Dahil sa pagka-alimango, —ang dugtóng ni Sandoval.

—¡Tamà at tatawaging panyáng na prayle! Inulit ng lahat na sabay-sabay ang: ¡panyáng na prayle!

—¡Tumututol skó sa ngalan ng isál-ang sabi ni Isagani.

—¡At akó, sa ngalan ng mga alimango!—ang dugtóng ni Tadeo.

—¡Galang, mga ginoo, kaunting galang!-ang muling sigáw ni Pecson na namumuwalan.

—Ang pang-apat ay pansít na ginisá na ipinatutungkol sa pamahalaan at sa bayan!

Lahát ay nápalingón kay Makaraig.

—Hindi pa nalalaunan, mğa ginoo, —ang patuloy —ay inaakalang ang pansít ay gawang insík ó hapón, nguni't sa dahilang siya'y hindi kilala ni sa Kainsikán ni sa Hapón, ay tila siyá pilipino, nguni't gayón mán, ang mga nagluluto at nakikinabang ay ang mga insík: idem na idem na idem ang nangyayari sa pamabalàan at sa Pilipinas: wari'y insík, nguni't insík man silá ó bindi man, ay may mga doktor ang Santa Madre.... Lahat ay kumakain at lumalasa sa kaniya, nguni't gayón mán ay nangagpapatumpiktumpik pa't nagpapakunwaring umaayáw: gayón din ang nangyayari sa bayan, gayón din ang sa pamahalaan... Lahát ay nabubuhay ng dahil sa kaniya, lahat ay kalahok sa pistahan at pagkatapos ay walang bayang sásamâ pa kay sa Pilipinas, walang pamahalaang lalong maguló. Ipatungkol ngâ natin ang pansít sa bayan at sa pamahalaan!

—Ipatungkól! —ang sabáysabáy na sabi ng labát.