- —245—
—¡Nárito si Isagani! ang sagot ng isáng boses mulâ sa
hagdanan.
At ang mapalad na binatà'y lumitaw na lipus katuwaap:
na sinusundán ng dalawáng insík na walang barò na may
daláng malalaking mangkók, na nagkakalat ng masaráp na
amóy, na nakasalalay sa dalawang malalaking pangnán. Ma-
sasayang paabá ang sa kanila'y sumalubong.
Wala pa si Juanito Pelaez, nguni't sa dahilang nakaraan.
na ang oras ay masasayang nangagsidulóg sa dulang. Kailan
pa man ay hindi makatutupad sa salitaan si Juanito.
—Kung si Basilio pa ang ating inanyayahan at hindi
siya —ang sabi ni Tadco —Nilasing sana natin upang mapag-
sabi ng ilang lihim.
—Há, ¿ang mapagnilay na si Basilio ay may itinatagong
lihim?
—¡Bah —ang tugón ni Tadeo —at ang lalo pa namang
mahahalaga! May ilang lihim na pangyayaring siya lamang
ang tanging nakababatid ng linaw.... ang batang nawala, ang
monha....
—¡Manga ginoo; ang pansit lang-lang ay siyang sopas na
pinakamabuti —ang sigaw ni Makaraig —gaya ng makikita
ninyó, Sandoval, ang halo ay kabutí, hipon, tiniping itlóg,
sotanghon, manók, at hindi ko na maalaman kung ano pa.
Bilang pamago ay ihandóg natin ang mga butó kay D. Custodio;
¡tingnan natin, magpanukalà siya ng ukol dito!
Isáng masayang halakhakan ang sumalubong sa pahayag
na itó.
—Pag naalaman....
—¡Patakbong paparito!-ang dugtóng ni Sandoval —nápa-
kabuti ng sopas, ¿anó ang pangalan?
—Pansit lang-lang, itó ngâ pansit insík upang maibá sa
isá na sadyang gawâ rito.
—¡Bah mahirap alalahanin ang pangalan. ¡Patungkol kay D. Custodio ay bibinyagán ko ng pangalang panukalang 80pas.
Tinanggap ang bagong pangalan.
—Mğa ginoo, ang sabi ni Makaraig, na siyang pumili ng mğa kákanin imayroon pa tayong tatlóng ulam! Lumpiya ng insík na ang lamán ay baboy....
—¡Na inihahandóg kay P. Irene!