Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/250

From Wikisource
This page has been proofread.
—244—

D. Custodio ay nagkaroón na ng marami, lubhang marami!
Sa gitna ng kabahayán at sa tapát ng mga paról na pulá,
ay may apat na dulang na bilóg, na naáayos na patungkô;
ang mga luklukan ay mga uupáng kahoy na bilóg dín. Sa
gitna ng bawà't dulang, alinsunod sa kaugalian ng tindahan,
ay may nakahandâng apat na pingáng mumunti na may tig-apat
na kakanin ang bawà't isá, at apat na tasang tsá, na may kanika-
niyáng takip, na pawàng porselanang pulá; sa haráp ng bawà't
luklukan ay may isáng bote at dalawáng kopang bubog na
nangingintáb.

Dahil pagkamausisà ni Sandoval, ay nagtitingin-
tingin, lahat ay sinisiyasat, tinitíkmán ang mga hopyà, pinag-
mamasdan ang mga palamuti, binabasa ang talàan ng mga
halaga. Ang ibá'y nangag-uusap ng ukol sa mga bagay-bagay
na pang-kasalukuyan, ukol sa mga artistang babai ng ope-
retang pransés at mabiwagang pagkakasakit ni Simoun, na,
alinsunod sa ilán, ay natagpuáng may sugat sa lansangan; alin-
sunod namán sa ibá ay nagtangkang magpatiwakál: gaya ng
sadyang dapat mangyari, siláng lahat ay naninirá sa mga
pagkukurokurò. Si Tadeo ay may ibang balità, na alinsunod
sa sabi niya'y hindi magkakabulà. Si Simoun ay sinugatan
ng isang hindi kilalá sa may lumàng liwasan ng Vivak; ang
sanhi ay ang higanti, at ang katunayan ay ang pangyayaring
si Simoun ay ayaw magpahiwatig ng anomán. Matapos
iyon ay napag-usapan ang mga mahiwagang higantí, at
gaya ng maaantay ay mga kagagawang prayle ang tinu-
tukoy, na isinalaysay ng bawà't isá ang inaasal ng mga kura.
sa kaníkanilang bayan.

Isáng tula na nasusulat ng malalaking titik na itím, ang
nasa dakong itaas ng pintông kabahayán at nagsasabing:

De esta fonda el cabecilla
Al público advierte
Que nada dejen absolutamente
Sobre alguna mesa ó silla.

—¡Kay inam na paunawà!-ang bulalás ni Sandoval―
napagkikilala ang pagtitiwalà sa pulutong lanó? ¡At
nakú, ang tula! ¡Maipalalagay na si D. Tiburcio na naging
tulâ, dalawang paa, ang isa'y mahaba kay sa isá sa pag-itan
ng dalawang tungkód! ¡Pag nakita iyan ni Isagani, ay iaa-
lay sa kaniyang magiging inali!