Jump to content

Page:Ang "Filibusterismo" - (karugtong ng Noli me tangere) (IA angfilibusterism00riza).pdf/249

From Wikisource
This page has been proofread.
—243—

Kinailangan ang ipaalaala sa kaniyá na nakarating na
silá sa liwasan ng Sta. Cruz.

XXV
TAWANAN —IYAKAN

Ang loob kabahayán ng "Panciteria Macanista de buen
gusto" ng gabing iyon ay may anyông di pangkaraniwan.

Labing apat na binatà, ng mga pulông lalong tanyág
ng Sangkapuluan, mula sa indio na walang ibang dugông
halò (kung mayroong walang halò) hanggang sa kastilàng
taga España, ay nangagkatipon upang idaos ang piging na
sinabi ni P. Irene, alang-alang sa naging hanggá ng salitaang
ukol sa pagtuturo ng wikàng kastilà. Inupahan nilá nang
sa ganang kanilá lamang ang lahát ng dulang, pinaragdagán
ang ilaw at ipinadikit sa dingding, kasiping ng mga palamuti at
kakemonong insík, ang ganitong di mawatasang mga pananalita:

¡LUMUWALHATI SI CUSTODIO DAHIL SA KANIYANG MANGA
KALIKSI HÁN AT PANSIT SA LUPA SA MAÑGA BINATANG MAY MA-
BUBUTING KALOOBAN!

Sa isang bayan na ang lahat ng kabalbalán ay tina-
tabingan ng ayos kagalanggalang, at ang karamihan ay ná-
tataás sa tulong ng usok at mainit na hangin; sa isáng
bayan na yaóng sadyang katunayan at tapát ay nakasásakít
paglabas sa pusò at mangyayaring maging sanhi ng mga
kaguluhan, marahil ay yaón ang lalong mabuting paraán
upang ipaggalák ang sumumpóng sa ulo ng bantóg na si
D. Custodio. Sinagót ng mga nádayà ng isang halakhák ang
birò, ang pastel ng pamahalaan ay sinagót ng isang ping-
gáng pansit, at mabuti't gayón na lamang!

Nangagtatawanan, nagbibirûán, nguni't náhahalatang ang
katuwaan, ay pilít; ang tawanan ay tumataginting dahil sa
kaunting panginginig, sa mga paninği'y pumúpulás ang ma-
tutuling kisláp at hindi fisa ang kinákitaan ng nagnining-
níng na paták ng luhà. Datapwâ't gayón man, ang mga
binatang iyon ay mga ganid na loób, mga walâ sa katwi-
ran! Hindi nóon lamang pinasiyahan sa gayong paraan ang
lalong maiinam na panukalà, na pinapatay ang mga pag-asa
sa tulong ng malalaking salita at mumunting gawâ: bago si